Thanks. How much kaya if il upgrade for runstop? pair sa front lang...
addition to my problem,hindi lang pala sa braking na eexperience yung rattle sa steering wheel. Basta running on high speed. Pero mas malakas yung rattle pag nag brabrake na... So,what could be the problem? Need to balance the wheel? Warp brake rotors?
Whats the usuall rpm when running 100kph for 2.0 manual? Tama lang ba aroung 2.7k?
Is it safe to buy a set of 2nd hand Tein Lowering Springs? 10 months used na daw for 7k.. Dadayuhin ko pa sa Sta Rosa Laguna, I'm from QC.
Good buy ba ito? Siya na daw ang magiinstall, coming from a GTA na nagswitch to Coilover.
![]()
ok yung presyo, ok din yung spring. dahil 7mos used yan, di mo na kailangang i breakin. tein-s ba yan? (s=sport), meaning yung rear 2.1" drop. ganyan yung gamit ko eh.
Papalower ka rin pala. Ako hindi na. Wala akong patience sa humps eh. Sa new manila pa naman 2 yung humps per street. Lol. Sisirain ko lang kotse ko. Hehehe. Wheels and ralliart hood will be the last exterior mod for me. Tapos sounds na. Ang pangit nung stock speakers eh. FD ko kasi dati may amps and better speakers. Audio kasi hilig ng kuya ko. Kaya ang laking downgrade yung stock ng ex.
Nagpakarga ako ng blaze kahapon. I get a better FC according sa display coming from FS unleaded which is below the octane requirement. Pero di ko na uulitin to. Masyado mahal. Feeling ko walang difference sa xcs since yun naman ang may recommended octane.
Sir rocky kamusta nga pala e97 vs xcs? Better fc ba?
Balak ko i-drop pag nakakuha na ng mags hehe
about sa E97 vs XCS, parang sa E97 matagal magbago yung average consumption (km/l) sa trip computer. Say naka 10km/l ako sa display, at inayos ko pagmamaneho tipid mode, na hinti tataas sa 2.5k RPM, an tagal magbago nung reading. Sa XCS kasi ako once nagadjust sa driving eh mabilis magreflect eh. Dito sa E97 parang kanina pa ako nagtitipid pero nasa 10 km/l pa din nakalagay hehe Pero malakas humatak at pansin ko mabilis maggain ng speed, nag NLEX ako am bilis umakyat sa 160 kph nung speed ko, kaya nakapag 180 kph ako pero d ko binabad.. Ayos pla stable pa din Fortis natin kahit 180kph, hindi nga naramdaman ng kasama ko na 180 na hehehe Kaya pa lakasan, kaso hindi ko na sinagad.
Naka kalahating tank pa lang nagagamit ko sa E97 e, hindi pa masyadong city driving kasi pinang-Bulacan at Tagaytay ko, NLEX at SLEX. Kaya hindi ko pa din ganong masabi. Eh nasa casa yung oto ko ngayon kasi natuklapan yung front bumper ng pintura eh at may gasgas, unang bangga ng Fortis ko. hehe Ayoko ng pagusapan at sumasakit lang ulo ko pag naiisip ko hehe Bukas mo makuha yung Fortis with half tank pa ng E97, then masusubukan ko talaga pagdating sa FC. I'll give feedback after.
Pero meron akong napansin hindi ko alam kung dahil sa E97 yun or may problema yung oto, dati kasi naka XCS ako consistent pag 5th gear ko 100kph ang speed nun. Ngayons a E97 pansin ko humina ng konte, ang 100 kph ko sa 5th gear eh nasa 2.6k RPM na, kung 2.5k RPM eh kulang kulang 100kph lang yun, mga 90+ lang. Hindi ko alam kung ano nangyari ngayon ko lang napansin. Balak ko pagkaubos ng E97 mag XCS ulit ako tapos observe ko na lang. Sana bumalik.
Thanks sir GH! Mejo lugi lang ako nasa Laguna pa e, gaya nung isang advice sa MLPH, gas+toll+traffic = lugi! hehe So isasabay ko na lang siguro pag nagawi akong Laguna at sana available pa by that time.
Anyway sir may mai-advice po ba kayo sa nabanggit ko sa taas? Kasi noon consistent ako sa 5th gear 2.5k RPM 100 kph flat ang speed. Ngayon lagpas ng konte sa 2.5k parang 2.6 RPM na nga para lang maka 100kph ang speed.Iniisip ko kung dahil nagpalit ako dati naka XCS ako ngayon Extreme 97 na, maari kaya yun? Or ano pa ibang factor na pwedeng tignan dito?