halatang mga excited eh hahaha ganyan din kasi ko nung pagkabit ng sakin, pero since bumalik ako sa shop dahil may narinig nga akong langitngit, tinanggal nila yung sticker kasi sila nakapansin na nakakabit pa hehe
halatang mga excited eh hahaha ganyan din kasi ko nung pagkabit ng sakin, pero since bumalik ako sa shop dahil may narinig nga akong langitngit, tinanggal nila yung sticker kasi sila nakapansin na nakakabit pa hehe
Share ko lang para sa mga gustong mag lower ng Fortis, comparison ng mga lowering kits / coilovers. Got this from one of the Fortis Crew ng MLPH.
The ULTIMATE LOWERING THREAD
Lugi kung itatrade in mo na ng ganito kaaga. Nalugi ako eh. Cheaper brand kasi pinalit sa unang tires ko. Sabi nga sa dkc gamitin ko nalang daw muna para di ako lugi. Pero ayos lang. Lesson learned din.
Yung payo sakin nung binilhan ko ipalower ko raw gamit yung parang sa nakikipagtrade sayo. Parang iciclip lang yung stock spring. Tapos reversible. So kung sawa ka na pwede ibalik sa stock height. Pero consequence nun sabi sa miller sobrang tagtag daw kaya di na sila gumagawa nun.
compressed springs alam ko hindi na reversible. hindi ko lang sure kung same yan sa clip? now ko lang narinig yung clip nang springs kasi. hindi rin kasi maganda compressed IMO
Westlake lang. Mahal yung nankang na 235 eh. Kinulang na ako sa budget kasi di ko inexpect na magkakaganito. Nadadd pa ko 1k. Nakakabv nga eh yung natipid ko sa mags nabawi dahil namali ako sa gulong. Nung first 2 days payag sya na straight swap eh kaya lang nung third day na sinabihan daw sya ng boss nya na wag kunin at full price. Oh well. Yung inadd kong 1k parang binulsa nya lang. Pero ayos lang. Baka nangangailangan sya eh mabait naman din. Dapat lang talaga di ako nagkamali. Kung tama yung binili ko simula palang. 29k+13.6k lang ang total. Pero in fairness to westlake tires, okay sya. Masmatibay daw nankang mala dunlop daw ang quality but i found it a bit noisy. Di ko alam kung may effect yung slight stretch. Tsaka parang masmalambot westlake. If this will last me at least 2.5 years, eto na yung brand na babalik balikan ko.
nakalimutan ko na magkano eh. pero yung bigay sakin sa 225 4250 lang pero malaki ata difference pagka235 na nankang. suggest ko sayo federals nalang ulit. naiingayan ako sa nankang eh. pero ang pick ng dkc at intensity tire supply is nankang over federals kahit masmura.
Pwede. Pero so far so good tong westlake. Pagtumagal and wala naman issue sa grip pagrainy days, loyal na ko dito. Masmura rin eh. Parepareho lang naman daw 2.5 years mga gulong.
Mukhang di talaga okay feedback ng mga tao sa compressed/clipped springs. Pagtiyagaan mo nalang muna. Maganda naman eh. Hehe. Ikaw lang ba 1.6 na nakadrop sa mlph?
Mukhang loyal na ako sa e97. Meron palang lane dun na discounted. Nagpagas ako kahapon and ang price is 51.60 compared sa xcs na 53.10 sa may amin.and since 97 ron ang nitro+ racing ng shell i think dun ko sya dapat icompare. 55 something yun. Ayos na ayos seaoil for me sobrang lapit pa.
Guys, question lang, nagiisip ako ngayon na magcarbon fiber hood para sa 1.6 GLX ko (naenganyo ako sa post ni Mike sa MLPH hehe). May nakita ako sa Zworks yung Evo X hood. my concern is about the hood scoop or the vent, do I need them on? Well for me it looks good but will it serve the purpose on my variant or looks na lang talaga (rice)? May option kasi na wala talaga siyang butas (aesthetics lang talaga), or kaya may butas talaga pero pwede lagyan ng cover kung daily driving, nagiisp ako kung ano pipiliin ko jan. BTW, I am also planning to get the power package from Speedlab in the near future.
Feel ko cf hood for our variant is looks only. Kahit sa gta variant. Unless turbocharged ang makina natin. Hehe. Kung pwede naman takpan tapos walang ibang consequence like higher price or possible leaks, dun ka na sa natatakpan at least meron kang option ikabit or tanggalin. Obviously okay lang sakin ang rice. Wag lang baduy at maangas sa kalsada. Pakabit ka napagsawa ka na benta mo sakin 50% off. Hehe jk. IMO, masokay ang cf hood kesa sa paint matched ralliart hood kasi kahit anong color pwede cf so madali lang din ibenta. Sa kairacing nagtanong ako magkano hood lang (paint matched) 10k daw tapos may butas talaga so vulnerable makina natin.
Speaking of rice. I think i saw a fake SiR kahapon. Nakababa bintana nila tapos nakatingin sakin yung pasahero sabay rev ng engine. Ewan ko lang baka totoong SiR naman kaya lang i dont think aasta ng ganun ang mga totoong SiR. Ako naman pagnagmamaneho tahimik lang usually mabagal pa nga eh keeping it at 2k rpm lang kasi. Hehe. More time for people to stare at my car din. Jk.![]()