hehe naalala ko yung first day of school ng panganay ko nung 2004 sa kindergarten. excited sya dahil first day nga... pero parang mas excited pa ako hehe. may mga katropa din kasi ako na first day din ng mga anak nila although magkaiba ng school. kaya nag-share kami ng feeling of excitement. nagtatawagan kami, at nag iisip... "ano kaya ginagawa nila ngayon?" hehe...
isa sa napansin ko e medyo naging nostalgic ako. i mean, naalala ko na parang flashback nung baby pa sya.. tapos nung time na nag-aaral pa sya maglakad... mag sulat at magbasa... tapos by that time, papasok na sya sa school... i felt that tug in my chest when he waved goodbye, smiling with anticipation, as he went in their classroom.
it gets me teary-eyed hehe... pero siguro it's just me.. kasi ganon din feeling ko nung graduation nila last march guess i'm just one emotional father hehe...