I'll never go back though sa BELL BOTTOM. They look ***y sa girls though.
Pansin ko lang. I went shopping for shoes yesterday and ibinalik ang mga classic styles ng Nike/Adidas/Puma ng mga 70s and 80s and patok daw sa mga youngsters ngayon.
Sino sa inyo ang may alam nung palabas na "BJ Mc-Cay" (sp?) 5 years old palang ako nung pinapanood ko yun. Ganda nun! Puro big rigs and a monkey. Hehehe!
NAAALALA MO PA BA ANG PANAHON NA ...
>
> 1.piso lang ang pamasahe (ngayo’y 4 pesos na)
> 2.wala kang pinuprublema dahil musmos ka pa lang
> 3.ang babae lang ang may hikaw
> 4.ang preso lang ang may tattoo
> 5.kilala mo ang lahat ng myembro ng Voltes V
> 6.una mong nalasahan ang beer at sigarilyo, masama sa ‘yong panlasa
> subalit pinilit mong magustuhan para maging cool at in ka
> 7.pinagtatawanan ang itim na rubbershoes at mahahabang shorts
> 8.pinalayas ng mga Pinoy ang mga Marcos (pero ngayo’y pinabalik uli sa pwesto)
> 9.kala mo’y magkakatuluyan sina Ate Shena at Kuya Bodjie ngBatibot
> 10.Si Erap ay sa showbiz section lang ng dyaryo nababasa
> 11.nagpakatanga ka sa pag-ibig (na ngayo’y pinagtatawanan mo na lang)
> 12.ang intindi mo ng LOL ay ULOL imbes na Laughing Out Loud
> 13.FACES ang in na gimikan
> 14.SM City ang pinakamagandang mall sa bansa
> 15.kinilig ka nang malaman mong ikakasal si Pops at si Martin
> 16.piso lang ang isang basong taho
> 17.at kailangan mong magdala ng sarili mong baso kasi wala pang plastic cups no’n si manong magtataho
> 18.tarzan, jojo, at tootsie roll ang pinaggagastusan mong mga beinte sinko mo
> 19.trianggulo pa ang sunkist tetrapak (de >hindi na tetrapak yon)
> 20.nagkakakalyo ka dahil type writer pa ang ginagamit mo para sa mga school paper mo
> 21.kaya uso pa ang carbon paper
> 22.at liquid paper
> 23.VETO ang iyong deodorant o kaya MUM (kaya lumalakas ang loob mong maging MUMyayakap)
> 24.at tancho gel ang pang-ayos mo ng buhok
> 25.KLIM ang tinitimpla ng nanay mo para sa’yo para inumin bago matulog
> 26.walang makagambala sa’yo pag alas sais ng hapon, Lunes mula Biyernes, kasi cartoons na
> 27.nanliligaw pa lamang si Brod Pete kay Shirley sa John and Marsha
> 28.sa Ortigas Center ka tinuturuang magmaneho kasi puro talahib pa yon no’n
> 29.nakakapag-grocery ka na pesos lang ang dala
> 30.anim na numero lang ang kailangan mong tandaan para tawagan ang kaibigan mo sa telepono
> 31.at hirap na hirap kang tumawag mula sa public phone kasi limang dyis ang kailangan mong hagilapin
> 32.sosyal si pareng Mon kasi naka-cell phone siya, ngunit hanggang kotse lang yon kasi mabigat bitbitin
> 33.hinihingi mo yung computer cards (IBM) ni daddy mula opisina niya para gumawa ng saranggola para sa iyong school project
> 34.pag narinig mo ang Every Breath You Take, si Sting at si Sting lang ang pumapasok sa utak mo
> 35.si Helen Vela ang naririnig mo pag binuksan mo ang radyo mo sa OK
> 36.dalawang piso lang ang songhits
> 37.iniisip mong dapat mag-retire na si Jaworski kasi kuwarenta anyos na siya
> 38.pango pa si Vilma
> 39.kay Amado Pineda ka lang naniniwala pag ukol sa panahon ang balita
>
>
>
>
> .. kung naaalala mo pa yun .... M A T A N D A K A N A!!!!!
nice one kimpoy! tanda na nga.... natawa ako nung nabasa ko na si brod pete ay nanliligaw palang kay shirley! "mag sumikap ka!" eheheheheh at "hudas, balabas, hestas" (!?!?) tama ba? c",)
Originally posted by ozcity 0.75cnts ang naaalala kong pamasahe na naabutan ko.hehe
ozcity, bata ka pa
ako 10cents ang pamasahe nuong na sa elementary ako :bald:
lahat ng binangit ni kimpoy ay panahon ng mga anak ko ehehehe. mga bata pa talaga kayo :D
kung inabutan nyo na yung usong pantalon na Hipster at polo shirt na Bolga at yung mga youth gangs sa university belt na Combat, Havocs, Scuffle, Am Boy....at yung mga terms na 'Patay bata' at 'Pila balde' eh talagang matanda na kayo ehehehe. :bald: :bald:
ang naalala ko nung grade 1 ako, may nutri Bun kami lagi sa umaga. way back 1977 yata yun. Tapos pag naghahatid kami
sa Airport, yung old MIA pa, naalala ko pa na bumibili kami ng
black and white picture ng mga tita ko na umaakyat sa
eroplano, ganung kabilis mag develop na nun, parang souvenir.
eto pa, nung bata ako, as in di pa nag-aaral , ang travel time from
Laoag City(Ilcocos) to Manila ay mga 14 to 16 hours kase di pa mabilis mga bus noon at di pa maganda daan, actually di naman
masyadong nag improve hanggang ngayun he hehe, tapos di pa aircon.
1. chocovim halagang .85 cent lang. parang eto ung magnolia chockolate drink ngayon.
2. ung softdrink na "Bayani" ang brand. .10 cent lang ata yun.
3. Yung sinisigaw na commercial sa radyo na "Bataan matamis". eto yung sigarilyo ng matatanda noon. Si Ngong0 pa ata ung sumisigaw sa commercial.
4. Ung launching ng pop cola softdrink. 15 cent lang
5. public school po ako galing, kaya bukod sa nutriban (tinapay) ay may supply pang skim milk mula sa DECS. Sa sobrang dami ay ginagawang pulboron ng nanay ko at ibinibenta na lang.
6. ung Texas na bubblegum. 5 pcs per 5 cent pa noon.
7. Scooter na yari sa kahoy tapos ung gulong eh bearing. Karera pa kami noon sa rizal ave. sa blumentritt.
8. wala pang squatter sa riles ng tren noon. taniman ng sampaguita pa.
9. karera ng bangka sa kanal. Either stick ng popsicle or ung kahoy na hinasa pa.
10. I don;t know kung napansin nyo ung mini land cruiser ng AFP noon as service vehicle.