New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Results 1 to 8 of 8
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,058
    #1
    sa sarili : good health, peace of mind

    sa pamilya, asawa, anak, apo, kamag-anak :
    tuloy tuloy na pagmamahalan at pagkakaunawaan

    sa trabaho / negosyo : tuloy tuloy na biyaya

    sa pilipinas : magmilagro sana at magkaroon ng pagkakaisa

    sa mundo : kapayapaan at walang katapusang kapayapaan

    pang materyal na bagay : hmmm... matapos na sana ang bahay ko

    sa tsikot.com : maipagpatuloy ang magandang samahan ng bawat tsikoteers, palitan ng idea at inpormasyon at pagbibigay palipas oras sa mga kasama nating nasa abroad at nangungulila sa mga balita at happenings dito sa pinas

    kahit ano pwede nyo idagdag,,, sa kaaway , sa alagang hayop, sa kotse , etc

    basta magwish tayo ngayong pasko

    makatanggap sana tayo ng maraming biyaya at at mai-share sana natin ito in our own way .
    maligayang pasko sa lahat

  2. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    4,631
    #2
    Wish ko, sana makaraos na ang bayan sa sariling sikap ng mamamayan. Matagal na tayong umaasa sa kung sino ang nakaupo sa Palasyo. Nawa'y matuklasan natin ang lakas na nananalaytay sa bawat isa, lakas na huhubog sa ating kapalaran bilang isang bayan.

    Ang mga presidente at mga pulitiko, napapalitan. Ang taong bayan, hindi.

  3. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    2,343
    #3
    tumama sana ako sa lotto.

  4. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    105
    #4
    mukhang makabayan ang lahat ah. Gusto ko rin manalo sa lotto.

  5. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,346
    #5
    Dahil wala namang matinong kapalit, sana ayusin na ni GMA ang pagpapatakbo ng gobyerno. Magawa lang niya ito, gaganda na buhay ng mg Pilipino.

  6. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    1,488
    #6
    wish?hmmm...world peace?hehe..sana patuloy ako mahalin ng taong mahal ko...sori korny..sana matagal pa buhay ko at ng mga mahal ko sa buhay...sana dumami ang mga mayayaman na tumulong sa mga kapuspalad...

  7. Join Date
    May 2005
    Posts
    108
    #7
    since it's just a wish hhmm...it will be an apple laptop, ipod, jaguar,corinthian gardens house, my own company, my own building and then yehey help the kapuspalads.....Yipee!!!! Christmas....my special time of the year.

  8. Join Date
    Dec 2004
    Posts
    1,310
    #8
    May makuha naman akong matino.

    Since age nine all I got from my unimaginative friends and relatives is money.

    Ah well, yung mga bata at sobrang matatanda lang naman ang nakakakuha ng magandang regalo eh what the heck!

Wish Ko Lang sa Pasko