Quote Originally Posted by baludoy View Post
Magandang idea nga iyong bus papuntang Baguio
Hassle Lang iyong papunta sa bus station Kasi galing pa ako sa south. Meron kaya sa pitx Ng mga bus na bound for the north?

Natandaan ko Meron din hotel malapit sa bus station sa Baguio na matino. I think days hotel ata name nya. Kumain kami doon nung nag stopover after climbing mt pulag pauwi Ng manila.

Pero personally I'd rather bypass Baguio and go straight to sagada for some peace and quiet. Dagdag nga Lang travel time.

Nakaka-miss din iyong mga little quaint restos doon, walking down to the bomod-ok falls, and (maybe try again) the spelunking .

Sent from my RMX3690 using Tsikot Forums mobile app
Ibang-iba na din Sagada ngayon.. After pandemic hindi pa ako nakaka-balik pero pre-pandemic naka-apat or limang balik ako sa magkakaibang taon.. Nung una ang sarap pumunta ang tahimik, yung caving solo lang namin. Pati pagpunta sa small falls, big falls, sa weaving site walang kasabay ang group namin.. Ang mga restaurant na matagal mag-serve ng food. [emoji28] Kasi chill lang walang customer..
Nung huli kong punta, chaotic na.. Ang bagal ng caving, nakapila na, traffic sa loob sa dami ng tao.. Maliwanag na din, dahil sa dami ng guide na may ilaw para safe ang lahat.. Hindi na pwede tumambay sa loob dahil marami naghihintay.. And yung trekking papuntang big falls, naku po!! Sobrang dami din, pagdating sa falls crowded na.. Sobrang dami na din nung nga nagbebenta ng souvenirs pati restaurants pero ang dami pa din ng tao..
Dati 9-10pm lights off na at dapat tahimik na.. Naku, iba na 11pm sinubukan namin lumabas madami pa bukas na souvenir store and ang ingay sa main street..
Kaya natabangan na ako bumalik uli dahil sa huli kong experience.. Wala na yung peace and be with the nature na feeling.. Naguguluhan ako sa dami ng tao at lagi nagmamadali kasi marami nakapila na naghihintay..
Siguro ngayon, baka nga mas kaunti na ang nagpupunta kaysa dun sa huling kong experience..