New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 20 of 39

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Aug 2008
    Posts
    2,517
    #1
    Quote Originally Posted by crazy_boy View Post
    Gusto ko din ng balisong considered weapon ba yan kahit nasa kotse nakalagay?

    Sent from my GT-I9300 using Tapatalk 2
    di naman siguro sir. ako nga may samurai sa sasakyan eh.

    BTT:
    yung mga itak at kalawit na ginagamit namin sa farm sa Lumban Laguna namin binibili. hindi natatanggal yung talim sa hawakan unlike yung mga itak na binebenta dito sa city. minsan ginagamit pa namin pang-katay ng usa at baboy ramo.

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,819
    #2
    Yung magandang batangas blade e yung yari sa bearing, yun ang sure na tagos sa piso.

    Dati nag-overhaul ako ng anchor winch, isang bearing roller lang mas malaki pa sa lata ng corned beef. Yung kasama ko na taga quezon nag-uwi pinagawa nya sa batangas. Tuwang-tuwa daw yung gumagawa kasi isang roller e isang itak tagalog* na. Pag balik nya sa rig naghahanap pa ng bearing, e nadisposed na yung scrap bin. Sa dami ng roller bearing siguro kayang gawaan ng itak ang isang batalyon ni bonifacio.

    may bearing ako ng mud pump. Mas maliit lang nga, sinlaki lang ng lata ng sardinas. Maiuwi nga at pagawa ako sa batangas. San ba sa batangas nagpapanday?

    *itak tagalog yung gamit ni bonifacio.

  3. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    419
    #3
    Quote Originally Posted by Bengbeng View Post
    Mas maganda sir kung madadaan ka sa batangas.meron lugar dun sa batangas gawaan ng balisong, yung lugar ay balisong, batangas. Bago mag taal yun. Dun ka makakabili ng magagandang itak at machete dun na hindi agad pumupurol.


    Sent from my iPad using Tapatalk
    Brgy. Balisong to be exact. And it’s actually part of Taal, Batangas.

    Quote Originally Posted by yebo View Post
    Yung magandang batangas blade e yung yari sa bearing, yun ang sure na tagos sa piso.

    Dati nag-overhaul ako ng anchor winch, isang bearing roller lang mas malaki pa sa lata ng corned beef. Yung kasama ko na taga quezon nag-uwi pinagawa nya sa batangas. Tuwang-tuwa daw yung gumagawa kasi isang roller e isang itak tagalog* na. Pag balik nya sa rig naghahanap pa ng bearing, e nadisposed na yung scrap bin. Sa dami ng roller bearing siguro kayang gawaan ng itak ang isang batalyon ni bonifacio.

    may bearing ako ng mud pump. Mas maliit lang nga, sinlaki lang ng lata ng sardinas. Maiuwi nga at pagawa ako sa batangas. San ba sa batangas nagpapanday?

    *itak tagalog yung gamit ni bonifacio.
    Blades made from bearing, riles, and leaf spring are good... but it still depends on how it was made.

Tags for this Thread

where to buy itak/machete/etc.