Last December 2006 nung aksidenteng mabuhusan ni misis ng kumukulong tubig yung 4 year old boy ko. Half ng left arm niya may 2nd degree burn.
Kelangan linisin yung wound everyday. Yung pagtanggal na lang ng old dressing napapasigaw yung anak ko sa sakit dahil kahit non stick yung gauze, dumidikit pa rin yung ibang parte. Ako naman napapailing at napapaluha na lang ako sa awa at bilang magulang, damang dama ko yung dinaramdam niya...