eto kuwentong barbero lang ng kapitbahay ko.
yung lolo niya ulyanin pumunta raw dito sa may pier, sumunod daw sa isang cargo truck.
at yung trak daw bumagal at tumutok sa kasunod na trak. at may kasunod din siyang trak na tumutok sa likuran niya.
nakita daw nung matanda na parang hindi na umaandar yung trapik at lumipas ang kalahati at ilang oras sa paghihintay na gumalaw ang pila.
walang nangyari. sa kainipan daw nung matanda, bumaba sa owner niya at sumaglit para bumili ng hopia sa may nagtitinda sa may kabilang bangketa.
natanaw nung matanda na walang mga drayber yung mahabang pila pati yung mga trak na nakasunod sa kaniya.
tinanong niya yung tindera ng hopia kung san daw nagsipuntahan yung mga drayber at paano kung umusad daw yung trapik?
sagot ng tindera,
"lo, paradahan po ng trak yan!"