Kagabi iyong misis ko umuwi at may nasakyan na tricycle. Naiinis sya at natatawa at the same time ng kinukwento nya sa akin dahil iyogn tricycle na sinakyan nya ay pinapatay iyong makina para daw makatipid sa gas. Siguro mga naka 8 patay daw ng driver iyong makina para daw makatipid ng gas.
Noong nasa kalye na namin sila alam nyo ginawa? Tinulak na ng driver iyong tricycle papunta sa bahay namin LOL!!! Di nga lang alam ng driver na iyong nilikuan nyang kanto eh medyo malayo pa ng kaunti iyong bahay namin doon. Sa inis ng asawa ko sinabi nya sa driver na alam nyo mama mas mabilis pang maglakad na lang ako. Tapos nagagripe na iyong driver kung ano ano ang sinasabi dahil kesyo mahal ang gasolina at mahaba pa ang pila sa sakayan![]()
So peeps, based doon sa sinabi ng driver (naaawa ako na natatawa) makakatipid ba sya kung pinapatay patay nya iyong makina ng tricycle nya? Talagang matindi iyong kahirapan ng driver pero sa tingin ko mas nakakaaksaya pa sya.
Btw, ngayon ko lang naalala. Noong nakapasok na iyong misis ko sa bahay, wala akong narinig na tricycle na umalis so malamang tinulak ng driver iyong tricycle nya papuntang pila ulit.![]()


Reply With Quote
