New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 4 of 4
  1. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    939
    #1
    Kagabi iyong misis ko umuwi at may nasakyan na tricycle. Naiinis sya at natatawa at the same time ng kinukwento nya sa akin dahil iyogn tricycle na sinakyan nya ay pinapatay iyong makina para daw makatipid sa gas. Siguro mga naka 8 patay daw ng driver iyong makina para daw makatipid ng gas.

    Noong nasa kalye na namin sila alam nyo ginawa? Tinulak na ng driver iyong tricycle papunta sa bahay namin LOL!!! Di nga lang alam ng driver na iyong nilikuan nyang kanto eh medyo malayo pa ng kaunti iyong bahay namin doon. Sa inis ng asawa ko sinabi nya sa driver na alam nyo mama mas mabilis pang maglakad na lang ako. Tapos nagagripe na iyong driver kung ano ano ang sinasabi dahil kesyo mahal ang gasolina at mahaba pa ang pila sa sakayan

    So peeps, based doon sa sinabi ng driver (naaawa ako na natatawa) makakatipid ba sya kung pinapatay patay nya iyong makina ng tricycle nya? Talagang matindi iyong kahirapan ng driver pero sa tingin ko mas nakakaaksaya pa sya.

    Btw, ngayon ko lang naalala. Noong nakapasok na iyong misis ko sa bahay, wala akong narinig na tricycle na umalis so malamang tinulak ng driver iyong tricycle nya papuntang pila ulit.

  2. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    22,704
    #2
    Kung papunta sa pila... maybe he's saved one tablespoon of gas.

    Malay mo... sa isang buwan, isang litro yun... nakasave siya ng 50 pesos kada buwan... :hysterical:

    Ang pagbalik ng comeback...

  3. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    3,601
    #3
    Oras na lumaki mga braso nun at binti baka pwede na lang niya buhatin sa pupuntahan

  4. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    3,601
    #4
    Oras na lumaki mga braso nun at binti baka pwede na lang niya buhatin sa pupuntahan

Mas matipid ba sa tricycle kapag pinapatay sindi ang makina?