"palsuot"
i remember, you'll have to break this in two to be able to sip the juice.
makapal 'yung plastic eh... sisipsipin mo lang talaga. :cool:
:electricf:
nung ikaw ay bata... nagawa mo ba to?--
*kumakain ka ba ng aratilis?
*nagpipitpit ng gumamela para gawing soapy bubbles na hihipan mo sa
binilog na tanggkay ng walis tingting?
*pinipilit ka ba matulog ng nanay mo pag hapon at di ka papayagan
maglaro pag di ka natulog?
*marunong ka magpatintero, saksak puso, langit-lupa, teleber-teleber,
luksong tinik?
*malupit ka pag meron kang atari, family computer or nes?
*alam mo ang silbi ng up, up, down, down, left, right, left, right, a,
b, a, b, start?
*may mga damit ka na U.S.E.D., Boy London, Cross Colors, Esprit, Blowing
Bubbles at pag nakakakita ka ng Bench na damit eh naalala mo si Richard
Gomez?
*addict ka sa rainbow brite, carebears, my little pony, thundercats,
bioman, voltes v, mazinger z, daimos, he-man at marami pang cartoons na
hindi pa translated sa tagalog?
*nanonood ka ng shaider kasi nabobosohan mo si annie at type na type mo
ang puting panty nya?
*marunong ka mag wordstar at nakahawak ka na talaga ng 5.25 na floppy
disk?
*inaabangan mo lagi ang batibot at akala mo magkakatuluyan si kuya
bodgie at ate sienna...
nung high school ka inaabangan mo lagi beverly hills 90210?
*gumagamit ka ng AQUANET para pataasin ang bangs mo?
*meron kang blouse na may padding kung babae ka at meron kang sapatos na
mighty kid kung lalake ka?
*nangongolekta ka ng paper stationaries at mahilig ka magpapirma sa
slumbook mo para lang malaman mo kung sino ang crush ng type mo?
*kilala mo si manang bola at ang sitsiritsit girls?e si luning-ning at
luging-ging?
*alam mo ibig sabihin ng time space warp at di mo makakalimutan ang time
space warp chant?
*idol mo si McGyver at nanonood kang perfect strangers?
*eto malupet... six digits! lang ba ang phone number nyo dati?
*nakakatawag ka pa sa pay phone ng 3 bentesingko lang ang dala?
*cute pa si aiza seguerra sa eat bulaga at alam mo ang song na "eh kasi
bata"?
*inabutan mo ba na ang Magnolia Chocolait eh nasa glass bottle pa na
ginagawang lalagyan ng tubig ng nanay mo sa ref?
*meron kang pencil case na maraming compartments na pinagyayabang mo sa
mga kaklase mo?
*noon mo pa hinahanap kung saan ang Goya Fun Factory?
*alam mo lyrics ng "tinapang bangus" at "alagang-alaga namin si puti"?
*alam mo ang kantang "gloria labandera"..
lumusong
sha sa tubig ang paa ay nabasa at ang "1, 2, 3, asawa ni marie"...
hehehehehe?
*sosyal ka pag may play-doh ka at Lego... at nag-iipon ka ng G.I. Joe
action figures at iba pa ang mukha ni barbie noon?
*inabutan mo pa yung singkong korteng bulaklak at yung diyes na square?
*lumaki kang bobo dahil ang akala mo nangangagat talaga ang alimango sa
kantang tong-tong-tong...
diba naninipit yun?
*alam mo yung kwento ng pari na binigyan ng pera yung batang umakyat ng
puno para bumili ng panty... and shempre, alam mo rin ba kung ano
binigay nya sa nanay nung umakyat ng puno?
*meron kang kabisadong kanta ni andrew e na alam mo hanggang ngayon..
aminin?
*laging lampin ang sinasapin sa likod mo pag pinapawisan ka?
*bumibili ka ng tarzan, texas at bazooka bubble gum... tira-tira, at
yung kending bilog na sinawsaw sa asukal?
*kinukupit mo pa at nanonood ka ng mga ****o tapes ng tatay mo na nasa
BETAMAX format pa... at sanay ka tawagin ang ****i as BOLD?
*takot ka dumating ang year 2000 dahil sabi nla magugunaw daw ang mundo?
KUNG ALAM MO LAHAT DITO LAGPAS KA NA NG 25 YEARS OLD...
WAG KA NA MAG DENY.. TUMAWA KA NA LANG... DIBA .75 CENTAVOS PA LANG
PAMASAHE SA JEEP NUN AT MAS
MASARAP ANG MELLOW YELLOW KESA MOUNTAIN DEW?
80's? Not much except being dependent on my folks for everything.
90's? The music, on my own with a job and still single, getting laid, getting drunk.
Last edited by Jun aka Pekto; September 20th, 2014 at 04:46 AM.
yung music mas maganda....
hindi ko alam meaning ng kanta pero ang lamig sa tenga.... oh example na lang ngayon sunday driving at 40-60kph ginagaya ko nga tapos nakabukas bintana ko...
in the olden days, they took pains to ensure that the lyrics actually said something.
sad to say every generation says that to the previous one..i was a teen in both of those decades...pero i like the ones from the 70s more, mas creative from clapton, beck, led zep, rush, aretha franklin, jackson 5, elvis comeback, dun din nag start ang hard rock care of van halen at heavy metal via black sabbath... around mid to late 70s nag start ang punk at new wave....and dont forget disco music ng bee gees...sa pinas pinaka creative around that time also..rico j at juan de la cruz just to name a few..yung 80s kasi puro glamour, everybody looks the same...90s naman, reversal of the 80s, walng glamour, grunge at metal..streetboys at UMD..lang yata ang naiba..haha
Sent from my SM-G955F using Tsikot Forums mobile app
Nalala ko 90s hello party line hehe
Sent from my vivo 1606 using Tapatalk
na miss ko pala yung magnolia sa may quad...raming memories there...
Sent from my SM-G955F using Tsikot Forums mobile app
i think i know that place, also remember alemars? glicos in the 90s...and greenbelt 1, dun lagi ako nanonood ng movies kasi konti lang ang tao..
Sent from my SM-G955F using Tsikot Forums mobile app