IMReady
Bahagyang humina ang takbo ng Bagyong #RollyPH sa bilis na 15kph pero napanatili naman nito ang lakas habang tinutumbok ang Catanduanes-Camarines provinces.
Sa ngayon ay nasa layong 410km East Northeast ng Virac, Catanduanes ang bagyo. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 215kph, bugsong 265kph at kumikilos na pa-West Southwestward.
Base sa pinakahuling datos ng Dost_pagasa, posibleng
mag-landfall ang bagyo sa probinsya ng Catanduanes-Camarines bukas ng umaga at tatawid sa Aurora-Quezon bandang hapon at dadaan rin ng Southern Luzon hanggang Lunes ng umaga.
Wala pang sama ng panahon na nararanasan sa ibang lugar kabilang ang #MetroManila pero maging maging #IMReady sa posibleng maging epekto ng bagyo tulad ng malakas na hangin at matinding ulan sa mga susunod na oras. IMReady - Bahagyang humina ang takbo ng Bagyong #RollyPH... | Facebook