Share ko po muna experience ko. Nung nagbakasyon kami ng bandang june, lumuwas kami ng manila noon para may asikasuhin habang pauwi na kami ng bataan sinita kami ng gagong tmg kasi red na raw yung traffic light dineretso ko pa. Samantalang sa tingin ko nasa 100 meters yata ang layo nya sa traffic light (nagtatago) at ang isa pa nakatalikod sa kanya ang traffic light. Pero ang totoo nun green p nung sumapit ako sa guhit mismo ng intersection then saka nag amber ang kulay ng traffic light. Hayun beating the red light daw at 400 ang tubos ng license. Katwiran ko sa kanya amber pa naman ang ilaw at saka nasa guhit na ako baka pagnamereno ako sa gitna na ako huminto. Sabi ba naman sa akin wala na raw warning warning. Kesa sa tubusin ko pa sa makati lisensiya ko inabutan ko na lang ng 100 petot paalis na kasi uli kami nun kaya hindi na maasikaso. Ganyan na ba sa atin ngayon wala ng warning? Sana pala alisin na lang ang amber light sa traffic light di ba?
Isa pa pong katanungan 123 ang restriction code ng license ko pero ang ang tsikot ko matic covered na po ba yun ng license ko. Nakalagay kasi sa likod 4 dapat kung matic ang idadrive. Dito kasi sa Bermuda covered na siya kung pasado ka sa manual. Kaya lagi ko ring dala bermuda license ko at xerox ng passport para kung sitahin man nila license ko merong ipapakita.
Sana po masagot salamat po na marami.