meron naman libre full size pinup ni heart e :D
kung tutuusin ang liit ng magagastos mo kung ikaw mag rerefill. ang problema lang kasi ung pang reset ng cartridge, dati nag refill ako ng ink. may sobra kasi akong isang cartridge na ni reset dati nung sa nag rerefil, bili lang ako ng ink sa cd-r king tapos ako na nag refill. sobra mura nga magagastos mo. kaso hindi ko na nagamit ulit ung ink kasi hindi na umuubra, kelangan talaga ipa reset ung cartridge. epson ung printer namin, sa hp ata pwede kahit hindi na i-reset. ung dito kasi sa amin sabi inject lang daw nila ung ink.
may nakakaalam ba kung san makakabili nung pang reset?
baka naman di magaling yung branch ng Ink for less na yun hehehehehe. Ako kahit na mahal yung ink ng deskjet ko sa orig pa rin. sakit nga lang sa bulsa, 750 petot for black and 1350 petot for the colored pero tagal ko naman magamit.
Sinabi rin ng prof ko sa school na huwag daw kami mag Ink for less dahil sisirain lang daw nito ang printer namin.
Yung HP printer namin hindi ko alam kung sira na medyo matagal na rin ito.Before gumagamit kami ng original then nagink for less kami ok naman pero hindi maganda ang quality hindi tulad ng original na HP cartridge.
Ngayon ang sira ng HP namin meron leak ng ink sa loob hindi ko alam kung dahil dun sa Ink for less yun.
Pwede rin bang refill yung HP na cartridge?
Ako I use only original inks. Hindi sigurado ang quality ng refills. Makakatipid ka nga pero mas malaki magagastos mo pag-nasira ang printer which happened to me before.
For office use, i have no choice but to go to refilling stations. Ang hirap maghanap ng ink for Lexmark. We got this for free sa pldt yun pala phased out na! kaya naman wala ng ink. pambihira!
heheheh...napag isip isip ko...mas makakamura ako kung gusto kong orig ang ink ko kung bibili ako ng bagong printer of the same model...i use hp 3320. yung b/w at colored ink nya costs 2000+ all in all. there's a new hp 3940. although magkaiba ang model number, parehas sila ng features, mas malaki nga lang ang mga cartridge nung latter; 2000+ lang yung printer, may kasama pang ink!
ako i used epson c1100 sa house,colored laser printer, medyo mabigat sa bulsa ang presyo, but satisfied client. go for the original.....
May kamahalan nga sa Ink For Less, pero they're the most reliable we've seen so far kasi. Tsaka hindi mahirap maghanap ng branch anytime na kelangan naming magpa-refill.
We've been refilling our ink cartridges sa Ink For Less since last year. Encountered absolutely no problems whatsoever. One branch was even honest enough to hand me the excess ink, since hindi na daw nila mailagay sa loob ng cartridge. We're using a Lexmark Z515 inkjet, with #17 black and #27 color inks.
We were supposed to have the black cartridge refilled again yesterday, kaya lang hindi daw sila nagre-refill ng more than four times on the same cartridge, baka masira na daw yung printer. So we had to purchase a new Lexmark cartridge instead, kahit wala sa budget.
Last edited by Bogeyman; February 3rd, 2006 at 06:00 PM.
sa kin den #17 black. Yun nga lang bad trip.. hanggang 4x lang pede i refill...
Sir Bogeyman: where do you buy lexmark cartridges? Pumunta na ako sta lucia/robinson/cybermall/even megamall. wala lahat lexmark..
*tsinita,
Try making the rounds of Cyberzone sa Megamall again. Nakalimutan ko na yung pangalan ng store, pero dun namin nabili yung Lexmark #17 cartridge kahapon.
EDIT: Got it. Comp Link.
Last edited by Bogeyman; February 7th, 2006 at 01:37 PM.
im a satisfied user of bottomless ink system, wala ng inject inject.. salin salin lang parang nagtatabo hehehe. cost ng 1 whole page na full color.. less than 1 peso![]()
aminin ko, kaya di surviving din itong computershop ko, kasi personal akong nagrerefil ng catridge ko..puno pa ang capacity( HP #27 black is 10ml, nabibili sa cd-r king 30ml bottle, 30) medyo mahal lang ung refil kit..pero 1 time lang bili nun,diba? mahalaga ung ink mismo.
sa epson and canon brands, try nyo ung bottomless ink...almost less than a peso per page ang ink cost ko...yung main store nila nasa arcade sa corner ng Araneta and Quezon Avenue located (katabi ng overpass bridge) right side coming from qc going quiapo.
mahal ang initial investment pero well worth para sa akin