RIP![]()
Reminds me of the movie 3 idiots. Pero yun nagbigti eto naman tumalon. Problems kaya sa school o pag-ibig??
R.I.P.
Sent from my iPad using Tapatalk
#retzingmode
FROM: [VIRAL NEWS CHANNEL] Maximizing the Value of Viral News and Videos: UST STUDENT, NAGPAKAMATAY
May iniwan umanong suicide letter ang nasawi kung saan nakasaad dito ang kanyang mga hinanakit na siyang pinaniniwalaang nagtulak sa kanya para magpakamatay.
“Im not a P.T. All those days that I tried. I failed I thought that it would get better but it didn’t. It get worst. I was giving up,until today where I can’t do anything. Anymore. I give up,” bahagi umano ng suicide letter ng biktima.
Nagpakamatay si Torres sa pamamagitan uamno ng pagtalon mula sa ika-27 palapag ng Kassel Condominium na matatagpuan sa panulukan ng Taft Avenue at Vito Cruz Street sa Malate dakong ala-1:45 kahapon ng hapon.
Samantala, ipinapalagay nina SPO2 Marlon San Pedro at SPO1 Ronald Gallo, mga imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, na hindi na umano nakayanan marahil ng biktima ang matindng galit na kinikimkim sa kanyang mga magulang nito na nagpumilit sa kanya na kumuha ng kursong Physical Therapist kaya ipinasiyang magpakamatay.
Nalaman na graduating student na umano ang biktima at kasalukuyang nagte-training sa isang tanggapan sa Makati City.
“Bago nagpakamatay `yung biktima matagal pa muna itong nakaupo doon sa rooftop, kinausap pa ito pero hindi pa rin napigil tumalon pa rin,” ayon kay SPO2 San Pedro.
Nalaman na tinangka umanong pigilan ni Michael de la Cruz, 28, na maintenance ng nasabing condominium at ng security guard na si Benito Tenorio, maging ang mga kasama nito sa tinutuluyan pero hindi na napigil na tumalon ang biktima.
Bumagsak umano ang biktima sa bubungan ng rectifying power ng Light Rail Transit (LRT) station sa may Vito Cruz kung saan nauna ang ulo nitong bumagsak.
“Para siyang si Superman na lumilipad, nakita ko na siya nung nagtatangka pa lang na tumalon sa rooftop kaya nga tumawag ako ng pulis at rescue team,” ayon naman sa vendor na siSuratos, na nakakita sa pagtalon ng biktima.
![]()
Akala ko midway nalaglag din yung cameraman. Hope he didn't hit anyone below. RIP.
hindi napigil (or na-grab) kasi parang nasa lower roof siya nung balcony at yung mga tao e nasa roof deck mismo..
kawawa naman, the guy doesn't have that proper mind setting, madaling sumuko. RIP
pinilit yata ng magulang mag aral ng PT
the guy probably resents his parents and this is his way of getting back at them
Madami nang may toyong estudyante nag suicide dyan sa Kassel, conducive for suicide ang building na yan. Facing south near elevator shaft merong balcony na pwede ka mag skydive kaya nilagyan ng admin ng harang. I gave up my unit dyan pangit ang vibes at parking.
On this incident mukhang sa penthaus umakyat at sa east side tumalon. RIP.
problem pa lang sa school di na nakayanan, lalo na yan pag usual problem ng mga tao habang nag-ta-trabaho na.
im sorry to say this pero yang mga ganyang tao, mga taong tatanda ng walang asenso sa buhay.
nawawalan agad ng pagasa....mga hindi siguro marunong magdasal at hindi nakakakilala sa dios.
i think it is more than just the problem with the course his parents wants him to take. isipin nyo 4 or 5 years nya pinagtyagaan ang course na ayaw nya. i think masyado kontrolado ng parents ang buhay nya at napakalakas ng impluwensya ng mga magulang nya para sumunod sya sa kanila. ako nga nuon pinipilit na magtake ng nursing pero di nila ako napilit dahil iba ang gusto ko talaga.