New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 15
  1. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    1,326
    #1
    as far back as i can remember.. bibihira ang nanghihingi ng increases sa pasahe.. pati sa pasweldo... especially during an election year... either may kasunduan (or respect <?> ) with the government na off limits ang mga ganyan on an election year... although it could also be na talagang hirap na sa panahon ngayon....

    ngayon... you see it in the papers.. may scheduled transport strike na naman sa lunes... kung sabagay mataas nga talaga ang presyo ng diesel...

    ang sa akin lang naman ay:

    1. kailangan din kumita ng mga PU drivers.. sa taas ng presyo ng fuel lumiliit din ang kita nila... but then again.. karamihan naman talaga ng negosyo ay ganun din ang dinaranas..

    2. grabe ang magiging epekto kung malaki ang itataas.. may immediate impact ito sa pressure sa pagtaas ng minimum wage.. which would impact directly on the prices of basic goods..

    3. medyo brutal to but this is addressed to the PU drivers: kung sobrang liit na ng kinikita, then why don't you find other alternative sources of livelihood? kailangan pa bang umasa sa pamahalaan para mag provide nito?

    4. hindi kaya sa dami ng mga PUVs (as in over supply ng PU on certain routes) kaya lumiliit ang kita nila kasi ang dami nilang nag aagawan sa mas kokonting pasahero??

    5. hindi kaya ang mga leftist groups ( hiding in the guise of NGOs, partylist and the like) have infiltrated the transport associations... at kaya sila nag strike sa ganitong panahon ay to project strength and show the public that they can deliver?

    masyado na ata akong nag iisip...

    ala lang...

  2. Join Date
    Oct 2003
    Posts
    734
    #2
    hindi natin masisisi mga drivers dahil malaki na talaga itinaas ang presyo ng petrolyo. nagtataka nga ako buti di nagrereklamo mga taxi eh ang taas na ng gasolina. bakit kaya ganun yan mga negosyanteng yan lalo na mga intsik na yan kng makapag taas ng presyo eh sky is the limit pero kng hihingi ka naman ng dagdag sa sahod eh pahirapan contractual pa, samantalang tubong lugaw sila. based on studies dapat ang isang pamilya d2 sa pinas at least 500 pesos ang budget sa isang araw. pag tinanong o naman yan Dept of LAbor and Unemployment lalo na yan pinuno nila na kng kaya mo ba mabuhay ng 250 isang araw wala naman masagot ang hudas unfair talaga. a

    ang tindi talaga ng delaying tactics ng LTO DOTC para madelay petition ng mga drivers stupidity at its finest, nagrerequest ba naman na magpakita sila ng proof na naghihirap na sila(mga drivers) idiot talaga. kaya siguro di nila maramdaman hirap ng buhay at mahal ng bilihin ngayon dahil marami silang kurakot. kailangan pa daw ng proof na nagtaas na presyo ng petrolyo grabe talaga ito sa katangahan na sagad na hangang buto. kaya di nila allow magtaas ng presyo yan mga jeep para di humingi ng addtl ang mga mangagawa sa sweldo lalo na ngayon mageeleksyon dahil it will cause more problems for the economy. the govmnt has a hand on this delay para dagdag boto dahil kng hahayaan nila tumaas presyo ng pamasahe anti masa ito yari boto nila kaya kng ano anung stupidity na palusot ang dinidevise nila

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,829
    #3
    sa presyo rin ng spare parts sila nahihirapan.
    bukod sa presyo ng krudo, pamilyang pinakakain at mga anak na pinag-aaral sa public school.
    maswerte pa rin tayo ng kaunti.

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,603
    #4
    oks lang ako sa PUJ increase, wag lang sa tricycle. abuso masyado presyo ng pasahe sa trikes.

  5. Join Date
    Mar 2004
    Posts
    54
    #5
    naiintindihan ko needs nila... pero sana naman kasama sa dagdag pasahe eh yung driving/road competency, attitude and road courtesy ay mag-improve din.

  6. Join Date
    Aug 2003
    Posts
    9,720
    #6
    good point mr. RDL4D56...ano kaya kung subsidize na lang ung diesel for PUJs, pero in return, subject to emissions testing, stiffer penalties, etc.?

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #7
    Siguro kung inalis nila lahat ng borloloy at mga pabigat sa dyip nila, may matitipid din sila kahit papano sa isang araw...

    Saka parang parachute ang aerodynamics ng mga Jeepney... May malaking placard pa sa taas ng windshield na may kung sinong pangalan naman na walang nakakakilala ang nakalagay.

    Hindi na ba talaga mag-eevolve ito?

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  8. Join Date
    Oct 2003
    Posts
    734
    #8
    oo nga otep, panahon pa ni magellan ganyan na itsura ng dyip hindi na nag evolve same banana over again and again---akala ko ba malikhain tayong mga pinoy yan nga lang dyip hindi natin maimprove itsura, ang sama ng aerodynamics ang laki ng drag, tapos the suspension is terrible etc etc. . ang mga hapon ang layo na ng narating ng nagawa nila from their first prototype, eh ang dyip ng pinoy prototype pa rin ang itsura hangang ngayon ang dami pang stickers at engravings hindi naman bagay.

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,250
    #9
    we will be exporting jeepneys to papua new guinea. dapat pati mga jeepney drivers isama na ng governemnt! parang buy 1 jeepney, get 1 driver free!
    Signature

  10. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    1,326
    #10
    it's out in the news now... LTFRB gave in:

    for jeepneys: Php 4.00 for 1st FOUR (4) kilometers (used to be first FIVE (5))... and then succeeding kilometers 0.63 (rounded off to 0.75) .. hindi pa ito yung fare hike na hinihingi nila...

    but most likely may stronger argument na not to increase further...

    so next nyan is wage increase... and then prices of basic commodities...

    grabe.. this is the 1st time this is all happening in an election year...

Page 1 of 2 12 LastLast
ukol sa demand ng PUVs na dagdag pasahe