wala hindi talaga mawawala yan .. pero madalas masama naidudulot nyan kahit walang katotohanan .. sumisira ng career at buhay yan dahil sa isang simpleng walang katotohanan na kwento
^^^ Agree, madaming career at buhay ang nasisira sa tsismis. Meron pa ngang napapatay at pumapatay dahil sa tsismis e.
At kahit san ka magpunta hindi mawawala ang tsismis. Ako nanggaling na sa maliit at malaking kompanya, pare-parehong merong tsismis. Dun nga sa una kong work, maliit na firm lang, 10 lang kaming empleyado tapos 5 partners, kahit yung magkaka-partner kasama sa tsismisan at sila sila mismo e nagsisiraan. Dun naman sa malaking kumpanya kahit yung ibang senior management e nakikipagtsismisan at sila rin e laman ng tsismis nung mga nasa ibaba. Pati sa simbahan, galing din ako sa iba’t ibang church organizations, di rin nawawalan ng tsismis. Pati nga yung pari nachi-tsimis yung mga supposedly kalokohan daw na ginagawa. Hay naku, pag meron kang narinig na tsismis pinakamagandang gawin e isarili mo na lang at wag mo na lang ikwento sa iba.