New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 20 of 25
  1. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    3,299
    #1
    Greetings from Cambodia. I just wanted to share an amusing experience I had flying in (true story):

    Nung papunta ako dito, may nakasabay ako na Pinoy. I was seated sa 35C, sya nasa 35 A. He immediately struck up a conversation dun sa katabi naming Pinay na papunta sa Dubai.

    "Miss, saan ka papunta"

    "Sa Dubai po. Kayo?"

    "Sa Bangkok. Jetsetter ako, baka hindi mo naitatanong."

    "Ah madalas, po kayong mag-abroad"

    "Ah hindi naman, first time ko pa lang".
    ahahahaha!

    Nung nagbibigay na ng welcome drinks:

    "Miss, kumuha tayo ng welcome drinks."

    "Thank you po pero hindi po ako umiinom."

    "Kailagan uminom ka, kase nagagalit yung mga airline kapag tumangi ka sa alok nila."
    Ngek!

    Medyo malakas uminom si Manong kaya hingi sya ulit.

    "Psst, psst! Boy, boy! Pahinge pa ng alak" (he was calling the attendant, who had immediately noticed him)"

    Attendant: "Sir, could you speak in English please?"

    Reply ni Manong: "Sorry, I thought marunong ka ng Tagalog".

    Attendant: "How can I help you?"

    Sagot ni Mamong: "Ang sabi ko, pahingi ng alak - bitin ako eh. Pinoy ka di ba?"
    ahahaha!

    Nung nagse-serve na ng lunch, dalawa ang choices: rice with beef in oyster sauce or rice with chicken curry. No discrimination intended pero the attendant was pronouncing his R's like the letter L. Tinanong nung attendant si Manong:

    Attendant: "Suh, would you like lice with beef oh lice with chuken curieh?"

    Manong: "What that?"

    Attendant: "We have lice with beef oh lice with chuken foh lunch. Wat you like suh?"

    Manong (asking the girl between us): "Ano daw yun? Inaalok tayo ng lice?"

    Girl: "Hindi po, rice po yun- hindi lang nya mapronounce"

    Manong (to attendant): "Okay, I like rice with beef. Next time, pronounce rice correct. 'Lam mo ba yung lice eh kuto sa Pinas?"
    ahahahah!

    When the attendants were serving drinks for lunch, gusto nya ulit ng wine so tinawag nya ulit yung attendant:

    [I]"Psst, boy! Pahingi nga ng white wine. Bitin naman kayong mag-bigay!"

    Attendant: "Suh, please speak English. Thank you."

    Manong: "Ay sori, hindi ka pala marunong umintindi ng Tagalog. Di ba Pinoy ka?"[/I
    ] ahahaha!

    Eh di tapos na ang tsibug. Maraming nakain si Manong (marami rin nainom) so nag-CR sya. Ang tagal nya actually. Nung pag-balik nya sa seat, tinanong sya nung girl na katabi namin:

    Girl: "Okay na po ba kayo? Ang tagal nyo po eh."

    Manong: "Okay na, marami kasing nakain. Wala palang tabo ang banyo dito?"
    ahahahahah!

    Nung pababa na kami, binibigyan yung lahat ng lady passengers ng orchid corsage. Hingi si Manong. Hindi sya binigyan nung una kasi nga, pang ladies lang yun. Eh ang kulet so binigyan na sya. Ang parting statement nya sa 'min nung girl.

    "Ayaw ko nang sumakay dito, hindi sila nagbibigay ng equal human rights." ahahahah!

    Many of you might find this story fictional pero I tell you: this really happened. I was really in stiches laughing quietly everytime he opened his mouth.
    Last edited by nicolodeon; May 29th, 2006 at 03:55 PM.

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,496
    #2
    HAHAHAHAHAHAHAHA LMAO

    natatawa akong naiinis haha

  3. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    989
    #3
    Quote Originally Posted by nicolodeon
    Manong (to attendant): "Okay, I like rice with beef. Next time, pronounce rice correct. 'Lam mo ba yung lice eh kuto sa Pinas?"
    Hehe. Kulit ni manong. Lasing na siguro.

  4. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    2,848
    #4
    si manong talaga. o.... tsk tsk.
    :lol:

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    14,822
    #5
    hehehe! jetsetter pala... :lol:

  6. #6
    :bwahaha: pwedeng pwede to sa Eraption.

  7. Join Date
    Feb 2006
    Posts
    21
    #7
    hehe, bka nman may pagkakenkoy lang talaga si manong, & he's just putting the girl at ease with his sense of humor. o kaya baka first time pa lang makasakay ng plane, dinadaan na lang sa pagpapatawa yung nerbyos nya

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,433
    #8
    Quote Originally Posted by nicolodeon
    ...I was seated sa 35C, sya nasa 39 A....

    ...Manong (asking the girl between us)...
    hehe, may typo yata sa seat number?
    Signature

  9. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    576
    #9
    hehehe... si manong komedyante... ninenerbyos siguro kaya nagpapatawa...

  10. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    1,214
    #10
    pasaway.

  11. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    3,299
    #11
    Fafa Boybi: corrected the typo.

  12. Join Date
    Jul 2005
    Posts
    1,242
    #12
    buti hindi naman di nya ginawang souvenir yung kutsara at tinidor

  13. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    11,316
    #13
    1st time mo manong? haha

  14. Join Date
    Jan 2006
    Posts
    732
    #14
    ang kulit ni manong, lakas pa ng tama hahaha.....

  15. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    462
    #15
    Quote Originally Posted by missZ
    buti hindi naman di nya ginawang souvenir yung kutsara at tinidor
    Kutsara't tinidor? Naku hindi sya pwedeng mag jetsetter sa Canada

  16. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    4,631
    #16
    :bwahaha:

  17. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,470
    #17
    langya sana wala akong makasabay na ganyan kundi baka mapikon sa pagtawa ko hahahahaha

  18. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    8,837
    #18
    Girl: "Okay na po ba kayo? Ang tagal nyo po eh."

    Manong: "Okay na, marami kasing nakain. Wala palang tabo ang banyo dito?"
    ano kaya pinang hugas nya

  19. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    4,085
    #19
    I was really in stiches??

    nakatahi ka? hehehe.. jk



    ano ung jetsetter? di marunong ng tagalog? hehehe

  20. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    7,205
    #20
    lupit ni manong...

Page 1 of 2 12 LastLast
"Psst, boy! Pahinge ng alak!"