New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 13
  1. Join Date
    Oct 2011
    Posts
    26,770
    #1
    THINGS YOU NEED TO KNOW ABOUT CHECKPOINTS

    Narito naman ang checkpoint guidelines na ikinakalat ngayon ng mga Netizens sa Social Media upang malaman ng mga mamamayan ang kanilang mga karapatan kapag pinahinto sila sa checkpoint:

    1. "Maliwanag dapat ang checkpoint at naka uniporme ang nagbabantay na personnel". Huwag pumayag sa madilim baka magkatakutan kayo. Huwag ding pumayag kung ang suot na uniporme ng mga personnel sa checkpoint ay kulay pula. Hindi po checkpoint yan. Mga empleyado po iyan ng Chowking pauwi na nag aantay ng masasakyan.

    2. "Kapag pinalapit sa checkpoint, bagalan ang takbo ng sasakyan, patayin ang headlights at buksan ang cabin lights. Huwag lumabas ng sasakyan". Anumang mangyari, huwag kayong lalabas. Pasasaan ba at aalis din ang mga iyan. Patagalan na lang kayo. Kaya kailangan laging may baong tsitsiriya.

    3. "I-lock ang mga pinto. Visual search lang ang pwedeng gawin ng mga pulis." Remember visual search lang ang pwede. Kapag napako sa hita nyo ang mata ng inspektor. Ipagbigay alam agad iyan sa Bantay Bata.

    4. "Huwag pumayag sa body search". Lalo na kung malakas ang kiliti sa batok at kili kili.

    5. "Hindi ka obligadong buksan ang iyong glove compartment (kung wala naman kayong gloves), trunk (kung hindi naman kayo magsuswimming dapat wala kayo niyan) o bag (maliban kung reusable iyan o Class A, pero pag branded? Huwag!)".

    6. "Kung magtatanong ng routine questions ang mga pulis, sumagot nang magalang". Una tanungin kung ano ibig sabihin ng routine. Sabay itodo ang sara ng pinto ng inyong sasakyan. Kasi sabi lang naman na sumagot ng magalang, so hindi bawal ang mag tantrum at magpakita ng attitude. Magdabog nang bongga!

    7. Panindigan ang iyong mga karapatan (huwag pabayaang nakaupo ka lang kailangan tumindig ka) at huwag mag panic. Kung hindi mapigilan ang maging histerical dahil galit kayo sa pulis. Sumigaw ng sunog, kung mas kalmado kayong makasalamuha ay mga bumbero.

    8. "Tiyaking madali mong makukuha ang iyong driverís license at mga papeles sa car registration", birth certificate, resibo sa kumpil, delivery ng LPG , at saka iniingatang ticket sa nalalapit na pagsasama ni Renz Verano at April Boy Regino sa isang unity concert para pigilan ang global warming. Huwag pumayag na ito ay kumpiskahin, corruption iyang maliwanag!

    9. "Laging ihanda ang cellphone". Baka birthday ng inspektor at magparamdam, magpaawa na wala siyang handa. Kaya ihanda ang inyong cellphone.

    10. "I-report agad kung nilabag ang mga karapatan". Hindi ko lang alam kung saan. Basta i-report ito. O kaya i-share mo na lang sa FB. Mas may power ang mga Netizens na lugmukin ang sistemang bulok!

    Huling tagubilin. Wag maging OA at matakot sa checkpoints. Kasi wala ka namang sasakyan eh. Emotera!

  2. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    13,039
    #2
    dapat don yan sa joke thread..

  3. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,661
    #3
    May point naman yung nag-sulat niyan. Hinaluan lang ng joke, para siguro mas basahin ng tao.

    Pero dito ako natawa...

    "Hindi ka obligadong buksan ang iyong glove compartment (kung wala naman kayong gloves)
    :hysterical:

  4. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    8,546
    #4
    Checkpoint sa may amin. Tigil lahat, baba salamin.

    Pulis Cavite: Ser kayo pala, magandang gabi po!

    Ever since I made Imus my second home, I made it a point to give the local police precinct small tokens of appreciation and a bottle of wine to the police chief every Christmas season. You never know when you will need police assistance ..

  5. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    12,337
    #5
    Ganyan dapat, citizens should be empowered by information / SOP regarding police checkpoints.

    Nung newbie ako na driver, kada checkpoint pag pinara ako

    i open my window
    turn on cabin lights
    open my glove compartment.

    may time pa nga bumaba pa ako ng sasakyan, wala naman body frisking na naganap. thankfully walang untoward incident na nangyari.

    langya lahat pala hindi dapat.

  6. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    3,828
    #6
    Quote Originally Posted by lowslowbenz View Post
    Checkpoint sa may amin. Tigil lahat, baba salamin.

    Pulis Cavite: Ser kayo pala, magandang gabi po!

    Ever since I made Imus my second home, I made it a point to give the local police precinct small tokens of appreciation and a bottle of wine to the police chief every Christmas season. You never know when you will need police assistance ..
    Pareho kayo ng ugali ng tatay ko paps, namana ko na din.

  7. Join Date
    Oct 2011
    Posts
    26,770
    #7
    How about sa airport security? diba parang may check point din sila upon entering.

  8. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    13,039
    #8
    uu gamit yung magic wand nila na kawayan..


    Quote Originally Posted by Retz View Post
    How about sa airport security? diba parang may check point din sila upon entering.

  9. Join Date
    Oct 2011
    Posts
    26,770
    #9
    Quote Originally Posted by _Qwerty_ View Post
    uu gamit yung magic wand nila na kawayan..

    lalo na sa mall security.

  10. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    7,899
    #10
    sama nyo na sa babala, kung dala mo eh monterosport na black, eh wag dadaan sa Atimonan, Quezon.

Page 1 of 2 12 LastLast
Things you need to know about checkpoints