New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 2 of 4 FirstFirst 1234 LastLast
Results 11 to 20 of 36
  1. Join Date
    Apr 2005
    Posts
    58
    #11
    the passenger will benefit kasi parang proof of purchase yan, at least, may habol ang mga passenger in case of any problem. sana asa resibo din ang pangalan ng taxi operator, taxi driver and so on. sana nga lang mura ang printer na yan, sobra ang 10k.

  2. Join Date
    May 2005
    Posts
    1,384
    #12
    ok ito .. mas madali mag-reimburse ng taxi fare .. pero at a 12K price tag .. i think that's overpriced .. money making nanaman ito ng ltfrb ..

  3. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    11,317
    #13
    passengers will benefit from this..wala talagang pinapalusot ni GMA hehe lahat na may resibo

  4. Join Date
    Apr 2005
    Posts
    978
    #14
    For me DAPAT LANG MAG ISSUE NA CLA NG RESIBO. Tayo ngang ordinary employee may tax eh. sila din dapat!! kumikita cla kya dapat patawan din sila ng tax. Tapos sila pa ang cost ng trafic, pagkasira ng kalsada(kc sila madalas gumamit nun.) pollution at marami pang problema sa kalsada.

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,820
    #15
    tama kayo dapat may resibo.

    PERO ang inaangal ng mga taxi operators e masyado mahal ang meter. at P14k per unit kita na ng isang taxi yun for 1 month.

    as for those saying na hindi nagbabayad ng tax ang mga operators, ano proof nyo? ask ko lang, makakapag-register ba ang taxi operator kung walang ITR? kala nyo dami binabayaran para maka-rehistro ng taxi. every year yun hahanapin ang ITR bago magrehistro. walang income tax payment kahit umiyak ka pa sa ltfrb hindi irerehistro unit mo. nasa isip nyo siguro private car, hindi po. iba po ang systema ng rehistro ng PUV.

    for operators, sa 26 operating days per month at P1k per day, minus operating expenses (maintenance of unit), DEPRECIATION EXPENSE, registration fees, insurance, e sasabihin ko sa inyo maswerte na kung umabot ng 15k (net income po ha hindi gross income) ang kita per month. ang innitial investment dyan ay umaabot ng P650k per unit (cost of car, meter, painting, franchise, re-registration for yellow plate) so ang ROI sa 15k per month is less than 1 (180K per year/650K). and the unit needs to be replaced after 10 years. kayo kaya mag-operate ng taxi tignan ko kung hindi mamuti buhok nyo sa bagong palakad ng ltfrb ngayon.

    imagine nyo na lang na walang taxi sa metro manila kasi. san kaya kayo sasakay pag coding kotse nyo? sa bike lane ni fernando?

    karamihan po ng small taxi operators ay mga retirees. yun ang napipili nilang negosyo dahil hindi na nila kaya mag-asikaso ng negosyo na nakatayo maghapon. yung retiree na 70 years old e imbes na ibili nya ng gamot at pagkain yung 14k na yan e mapupunta pa sa lintek na meter. kayo ba na malakas pa ang mga tuhod uunahin nyo bilihin ang meter kesa sa gamot at bigas?

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,812
    #16
    dapat talaga mag issue ng receipt...malaki din ang kurakot dyan ng mga empleyado ng gobyerno...alam nyo kung bakit????

    pag may travel ang isang empleyado ng gobyerno.meron silang sariling format ng resibo...gagawa sila ng bogus na plate number, fake na signature(taxi driver), at fake na amount...biruin nyo yung iba by public bus lang pag pumunta ng airport pero naka declare sa receipt nag taxi sya...

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    13,415
    #17
    Ayan nasagasaan nyo tuloy mga katulad ni Yebo na naghahanap buhay sa taxi...

    Wag po mag generalize mga statements...

    I honestly dont think local taxis charge enough (flag down rate)... but what I dont like is a lot of cabs (esp mga smaller companies) have doubtful meters and madalas din na lugi ka coz bulok yung cab at mahina ang aircon sobra.

    In terms of metering, pansin ko lang whenever I take a cab from the house to office, pag mga sakay ko larger companies mas mababa fare ko kesa mga unknown cabs (not all of course).

  8. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    11,317
    #18
    only less than 20% of cabs ive ridden have cool aircons, others halos fan nalang lumalabas e. nahihiya lang ako sabihin sa driver, brod wala na ata freon aircon mo/may compressor ba yan? hehe

  9. Join Date
    Jun 2004
    Posts
    162
    #19
    Okay lang magresibo taxi. kasi kailangan talaga lalo na pag-reimbursement of transpo. Kaya lang wrong timing if they really insisting on metered receipts. Resibo na lang na papel na registered sa BIR, oks na iyon. Anyway, hindi naman lahat nanghihingi ng resibo. in Singapore, all taxis are required to print reciepts, pero pagbaba ng pasahero tinatapon lang. Para matakot din abusadong driver na nangongontrata kesa magmetro. kawawawa pasahero, kawawa operator.

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,820
    #20
    sa singapore can afford sila na ganun taxi meters nila. kasi po ang flag down sa singapore ay S$2.50. multiply nyo yan ng P34/S$ = P85 flag down. tapos per 150 meters 10 cents = P3.40. ganun kaya gawin natin sa pilipinas, flag down P85 tapos every 150 meters e P3.40 ang patak? pag yan ok sa inyo ok na din sa amin yang P14k na meter with receipt.

    so ok ba sa inyo flag down P85 saka P3.40 per 150 meters na rate? pag ok sa inyo ako na mauuna magpakabit ng meter na may receipt.

Page 2 of 4 FirstFirst 1234 LastLast
Taxi drivers slam LTFRB