Results 11 to 20 of 27
-
February 1st, 2006 11:10 PM #11Originally Posted by NightRock
The Mazda-based V6 Ford Probe GT was made in the USA(Ford-Mazda AutoAlliance) its main market and exported to Japan.
I think there were some RHD versions of the 4-cylinder Ford Probes.
Some newer American vehicles(mostly premium models)are now available in RHD form.
RHD Japan market Ford Explorer (2004/05 model shown)
Last edited by AG4; February 1st, 2006 at 11:27 PM.
-
February 2nd, 2006 12:01 AM #12
ang sabi sakin...pwede daw ang lhd sa japan.lalo na kung mga matataas na model like benz....jag..etc.
thats what someone told me.
-
February 2nd, 2006 12:03 AM #13Originally Posted by NightRock
Hi NightRock,
Nakatira ako sa Japan at nasa car business ako. Apat ang pinanggagalingan ng foreign cars dito.
1. dealer sya: imported ng dealer o kasa.
2. heiko sya: imported ng car company na hindi kasa.
3. kojin yunyu: private import (pero bihirang bihira lang at kadalasan ay mga classics)
4. gaku yunyu: Japanese brand na inimport sa Japan EX: Honda of America Accord LHD.
Hindi rin masyadong uso ang Ame sya (American cars) dito pero meroon din syempre. Ang mga popular ay syempre yung mga muscle cars tulad ng Corvette, lumang Mustang (di masyadong sikat ang newer models), Cobra, lumang Ford classic muscle trucks, mga campers o full size vans tulad ng Astro, at mga luxury tulad ng Lincoln. Meroon ding mga lumang impala na bagay sa mga surfers. Syempre pag American ay LHD dahil baduy pag RHD diba. Mas uso dito ang mga European cars tulad ng Benz at BMW, nanandiyan na rin ang Bentley, Rolls, Jag, Masserati, at tapos yung mga hot rods na Ferrari at Lambo. Syempre meroon ding mga Lancia, Alfa Romeo, etc. Andiyan na rin ang Mini na marami pa ring fan, Opel, VW at iba pa. Bagamat RHD ang orig ng Benz at BMW ay pinipili pa rin ng iba na LHD ang sasakyan nila para nga gaisha (foreign car) ang dating. Sa ngayon ay marami na ring RHD lalu nat Benz at BMW na ipinapasok. Sa napansin ko na nuon ay pag naka gaisha ka ay sikat ang dating pero sa ngayon ay normal na lang dahil marami na ring mahuhusay na mga Japanese made cars tulad ng Celcior/Lexus, Majesta, Aristo, Cima, etc. na hindi rin pahuhuli sa performance, comfort at reliability kayat ayos din ang porma at pwedeng itabi sa mga Benz.
Meroon din nagdaan sa aking ilang foreign cars dito pero konting-konti lang (Opel Vectra, Corvette, at BMW 6 series, at ilang mga Benzes, syempre gakuyunyu sha tulad ng ilang Honda Accord of America LHD, Mits Diamante Wgn from Australia kaya lang RHD at Mits Jeep na converted from LHD to RHD) OK lang magmaneho dito ng LHD pero mas relax ako sa RHD dahil baliktad nga ang kalsada kung ikukumpara sa Pinas.
Medyo bagsak na rin ang presyo ng mga foreign cars lalu nat pag mataas ang cc ng makina dahil nga pataas ng pataas ang presyo ng gasolina at nagsusulputan na ang mga long runnners at high brid cars. Ang hindi lang bumabagsak ang presyo ay mga Ferrari, Porche (new mod) at Lambo at ilang mga sikat na classics.
Hay naku, tambayan ko car auction pero parang pang hakot ng basura ang ginagamit kong van. Mazda Bonggo Van na bulok-bulok puro bangga talo pa vibrator at super sa kalampag. Disipa ang AC at tumutulo sa weather strip pag umuulan. Nakakatawa nga pag pumupunta ako sa car auctions dahil katabi ng kotse ko puro mga mamahaling sasakyan. At least walang magbabalak na karnapin kotse ko at walang didikit dahil sa dumi. Mukhang magaganda na ang mga kotse diyan sa Pinas ngayon. Ako parang nag time slip ng 20 yrs dito.
-
February 2nd, 2006 01:43 AM #14Originally Posted by BoEinG_747
sabi lang sakin ni silverbx986 yan, ewan ko kung maniniwala ako...alam mo naman yon...super bolero amf.
totoybato, nasa Yokosuka ako kung saan hi'ma ang homise dahil kuripot ang mga Yankee (1995-1999)
Ayan, nasagot na ni trials jpn ang tanong, ayos!
-
February 2nd, 2006 02:14 AM #15Originally Posted by Karding
Oo, tutoo yan na pag ang dalang visa ay spouse visa lang at nag divorce talsik pag nag expire ang visa. Pag permanent residence visa ay di na pwedeng patalsikin maski ilang beses pang mag divorce at magpakasal. May pros and cons syempre ang lahat, tulad ko permanent, na dito ang bayad ko ng taxes at pagnakulong ay hindi idi-deport at magiging cell mates ko yung mga Hapon. Pwede rin ang naturalization pag permanent residence basta apply sa immigration at ang daming paper work lalu na sa taxes... Nagtanong si Mrs sa immigration kung ano ba ang pagkakaiba ng permanent at citizen, sabi halos wala kaya di na namin ito binalak.
Keylan ka papasyal ulit dito?
-
Tsikoteer
- Join Date
- Nov 2002
- Posts
- 748
-
February 2nd, 2006 02:44 AM #17Originally Posted by Trials Jpn.
hindi na yata ako babalik ng Japan, tapos na tour of duty ko jan kse. Pero this april, pinagiisipan ng command ko kung saan kami mag spend ng 2-weeks for re-training. choices are Cape Verde, Yokosuka, Subic, and Hawaii.
NightRock, kukunin mo na ba yung Probe?
-
Tsikoteer
- Join Date
- Oct 2002
- Posts
- 3,754
February 2nd, 2006 03:12 AM #18Trials Jpn
thanks for clarification so basically marami di palang LHD na kotse dyan..in doubt kasi ako kung converted ba yung inaalok sakin na Ford Probe
Karding
Pinag iisipan ko pa medyo ok yung price nya kaya lang mukhang lakas lumaklak ng Gasolina yon bigat pa naman ng paa ko pag tapak sa gas.. Any preview about this car?? may nag aalok din kasi sakin ng Mustang V8 naman..pero much cheaper at mas bago modelo 1995 lang
-
Tsikoteer
- Join Date
- Nov 2002
- Posts
- 748
February 2nd, 2006 03:37 AM #19malakas nga sa gaso yan...mahal pa naman ngayon dahil sa evat...naalala ko tuloy ang de karborador kong 22r na corolla sa pinas...parang naihi ng gas sa lakas
-
February 2nd, 2006 03:38 AM #20
mas malakas naman lumaklak ng gas yung V8. Depende sa priority mo kapatid, power or fuel consumption?
as an aside, in the olden days, anyone who does not move 'ala luksa during Holy Week, especially...
Traffic!