Bottom line is talagang Bawal Magkasakit sa atin!O kaya isama sa emergency fund ng pamilya yung pang-Medical at sa ayaw at sa gusto natin meron at merong magkakasakit sa pamilya.

Marami ding Hirap na Doktor sa atin kaya yung iba nagsipag-Nursing na at nagbabakasaling makapangibang bayan at kumita ng maayos.Yung iba naman, lagare ang ginagawa at pati mga probinsiya pinupuntahan as visiting consultant. Ang hindi lang maganda yung malasakit ng Doktor sa pasyente ang mukhang nawawala na...May alam pa ba kayong nag ha-house call na Doktor ngayon, di ba wala na?!