Results 1 to 10 of 18
Threaded View
-
November 29th, 2003 12:15 PM #1
May kakilala kami na medyo malala ang lagay kahapon na pumunta sa UST Hospital para makapagpagamot.
Pagdating nila, may mga exams na ginawa para malaman kung ano ang sakit niya. Nung una, sinabi na mukhang may problema daw sa appendix at baka kailangang operahan. Naisip ng doktor na medyo mali ata ang desisyon niya kaya pinatignan naman niya sa ob-gyne para makita kung may problema sa matris. Ang problema, walang naging desisyon yung doktor sa kung ano ba ang kalagayan ng pasyente.
Ang isa pang malaking problema na gusto ko sanang malaman, tama ba na pinaalis ng doktor yung pasyente dahilan daw sa wala ng available na kama? Maraming nakiusap na kahit sa pasilyo nalang muna ilagay yung pasyente pansamantala para naman hindi masyadong mabugbog sa biyahe dahil sa Novaliches pa galing pero ang sinagot nung doktor eh hindi raw public hospital ang UST at may policy rin sila na bawal iyon. Marami ulit ang nakiusap na kung maaari ay ilagay sa waiting list yung pasyente pero ang sinagot nung doktor eh hanggang 6 na oras lang daw pwedeng maghintay at kapag lumagpas dito, humanap na lamang ng ibang hospital.
Samakatuwid, pinaalis nila iyong kakilala namin ng wala man lamang sagot galing sa doktor kung ano ang karamdaman niya.
TAMA BA ANG GINAWA NG UST HOSPITAL?Last edited by krscla; November 29th, 2003 at 12:17 PM.
Planning to buy a second car. Help me choose. Honda accord has 71k mileage for ₱465,000 Nissan...
honda accord 2014 2.4L vs nissan altima 2015