Sino naniniwala?
May personal experience?
Trusted/reliable source from a second hand story?
Sabi nga, matakot sa buhay, wag sa patay.![]()
Sino naniniwala?
May personal experience?
Trusted/reliable source from a second hand story?
Sabi nga, matakot sa buhay, wag sa patay.![]()
Ako naniniwala. Back in my elementary days naglalaro ako ng toy tractor ko sa garden kasama yung helper sa bahay then bigla na lang umangat yung handle ng gate, pagabi na yun nagpaunahan kami pumasok sa loob lol.
Then nung first night ng wake ng tita ko, mga 10:00 PM pauwi kami ni mama sa sasakyan biglang nangamoy bulaklak na matapang. We don't use scents kasi bawal samin yun sa allergies. Scary pero alam ko naman mabait tita ko lol.
Ako personal experiences both during my college days.
Una, di ko nadalaw nung unang gabing burol ng closest tito ko, ako mag isa sa bahay tinatapos ko thesis ko dahil need ko isubmit first thing in the morning deadline, umusal na lang ako ng dasal sabi ko i'm sure maiintindihan tito ko na kailangan ko talagang tapusin kahit umagahin pa ako, past 12am bumaba muna ako from my room para isarado pinto, Nung i la lock ko na main door tapos biglang may kasing lamig ng yelo na kumapit sa batok ko, actually wala sa isip ko na multo dahil di ako naniniwala at alam kong may tao sa bahay, kaya bigla kong hinarap para tignan kung sino, nung wala akong nakita sa likuran ko feeling ko tumayo lahat buhok sa ulo ko sa takot kaya sabay takbo paakyat sa kwarto, LOL.
Pangalawa, closest neighbor namin si tatang (tawag namin), palabiro, mahilig bumisita sa bahay. Nung nag apartment kaming dalawa ng sister ko na mas malapit sa university, nawalan na kami ng updated news sa bahay. Apartment has 2 rooms upstairs, medyo malaki, tig isa kami sister ko, downstairs sofa at tv lang. Isang umaga, nagising ako maingay sa ibaba, yung sound ng malaking sofa na hinahatak, titigil, tapos hahatakin ulit, yung sound against the floor. Nairita ako sabay sigaw sa sister ko sa may hagdan katabi ng pinto , akala ko naglilinis sa ibaba, "Hoy, [name], pwede bang tigilan mo yan, ang ingay natutulog pa ako eh!". Biglang bukas yung pinto ng kabilang kwarto at sabay takbo yung sister ko sa room ko - "andito ako, wala sa ibaba! Kakagising ko lang din dahil sa ingay ng sofa!". HAHAHA, pareho kaming di bumaba hanggang mananghali.
Later that day, nabalitaan namin namatay si tatang the previous day. Siguro guni guni lang namin pareho, or binibiro kami ng matanda...
Sa dorm ko ng college. Pag mag isa ka room ma mararamdaman mo may naka tayong tao sa gitna ng room naka titig sayo.. ang malala isang gabi. Kinagat ako sa leeg. Kala ko totoo na talaga. Hinawakan ko leeg ko kala ko may dugo. Babae na naka itim na mahaba buhok.. then a few months nagka kwentuhan kami ng room mate ko na driver. May dumadagan daw sa tiyan niya habang natutulog mag isa at babaeng nama itim din na mahaba ang buhok.. hehe. Same lang kami ng discription.. nung nalaman ng mama ko pina lipat na ako ng dorm..
Nung high school ako nakakita ako ng naglalakad na anino pero walang tao sa bahay na nilipatan namin
Sa unit naman namin. Sa malaking salamin namin may kung anong nakikita akong image ng tao. Minsan may parang dadaan or minsan may parang kamay. Ginawa ko tinapon ko yung salamin at nilagyan ko ng santo yung lugar. Ngayon wala na. Pinalitan ko na lang ng frame ang wall namin na yun.
Around 7years old ako naka kita na ako ng white lady sa loob ng bahay namin. Tumagos sa wall. May ilaw pa noon. Nanonood kami ng fathet ko sa sala namin..
Last nov. Yung anak kung 3years old.. habang nasa simenteryo kami. Na kwento ng anak ko kung panu na matay yung step dad ng misis ko.. namatay kasi yun sa pag ddrive ng motor.. wala rin naman nag kwnto sa anak ko kung panu yun na matay.. detail niyang kwnto panu yun na accident..
Ako dito sa work sa hospital, kagabi lang nakita ko lumalapit sa akin ang zombie, then nagmadali akong lumabas sakto naman nauntog ako sa my pintuan palabas..
Nagising ako, hayys salamat naman panaginip lang pala![]()
I also belive in people with 3rd eye.
Multo nakakita na ako. Nasasapian nang maligno common nung Elem at HS days. Hindi na ako takot dyan. Pero sa multo ayaw ko pa din hehehe
i've seen too many. the closest one was just 1 inch from my face.
and my dreams, pag sa relatives, almost always come true. halos walang mintis may namamatay.
what is bothering me now is i've been having dreams lately of my uncles and aunt having a party (masaya kasi kami pag may nakaburol, walang umiiyak). kagabi ulit. sino kaya sa 3 natitira pa nilang kapatid? sana naman hindi pa nanay ko.
Last edited by yebo; February 5th, 2016 at 11:01 AM.
If you have stayed in Kalayaan Residence Hall in UP Diliman, chances are you have encountered one of the many paranormal activities out there. Most common are the sound of someone showering in the bathroom but there is no running water at the same time, like seeing people jogging just outside the room window on the 3rd floor, seeing someone walking ahead of you taking a turn to the bathroom stalls only to find noone there upon entering the bathroom stall, and many others.
Meron pa , elementary ako , around 5am ihing ihi na ko nagmamadali ako pumasok sa cr biglang inunahan ako ng utol ko, antagal sa cr halos magalit nako then wala pa din nalabas nagulat na lang ako nakita ko utol ko nasa labas ng bahay wala pala tao sa cr. (Multong nanggagaya)
Sa dating work ko naman yung line leader ko may 3rd eye half lang daw nakabukas, minsan nakakakita sya sa office ng paring pugot, mga multong naglalakad, batang naglalaro, isang beses ginaya din ako ng multo, break time ko nagtaka staff at line leader ko nakita ako nakatayo sa pinto, nagtaka sila sabi nila si sir oh nakatayo diba break time nya nasa canteen yun, pati yung suot nya kahapon yan. Ayun pagbalik ko galing canteen kinuwento sa kin, una nagulat sila then nagtawanan kasi pati daw multo may crush sa akin haha
Last edited by NiCe2KnowU; February 5th, 2016 at 12:26 PM.
Years ago, driving alone around midnight sa may novaliches, may lugar dun sa tapunan daw dati ng salvage. Lagi uneasy ang feeling ko dun kaya tinataas ko yung rear view mirror pag nadaan dun.
One time naisip ko sumilip. Ayun. May pasahero nga ako sa likod. Sinabi ko na lang bente na lang hanggang circle. Nawala naman after. Nanlambot tuhod ko sa takot
Ako naman dati 10 years ago. May naghihilot sa amin na matanda. Pag nakaksalubong ko yun bumabati yun lagi. One time nasa palengke kami ng mama ko nakasalubong namin siya around 5PM na non. Ngumiti lang siya sa amin nun hindi bumati. Pag uwi naman nakasalubong namin yung kumare ng mama ko sinabi namantay na daw yung nanghihilot na matanda 10AM pa lang daw.
Yung multo dito office lalaki. Yes medyo white yung naaaninag mo eh.
Sent from my LG-H818P
Fasten your seatbelt! Or else...Driven To Thrill!
You see whatever your mind wanted to see.
Having said that, since I have no experience seeing paranormal things, I'm still keeping an open mind
Kasi diba if you're alone in a dark room with big mirror in front of you. Sooner or later meron ka makikata. Dahil yun Ang iniisip mo. Parang shapes of objects na na nag for sa clouds.
Sent from my iPhone using Tapatalk