Last March nung kagagaling ko lang sa sakit.. Super nag ki-crave ako sa maanghang.. Naisipan ko maghanap ng chili flakes sa Shopee, natuwa ako dahil meron na nagbebenta.. Sa tuwa ko bumili ako ng lima ni hindi ko tiningnan kung gaano kadami kada pack.. Nung dumating sa bahay 500 grams pala lahat [emoji28] ang dami!! excited na ako tikman, kasi nahirapan ako maghanap ng review kung maanghang ba.. Puro tungkol lang sa package at fast delivery.. Gusto ko makauna sa review kung totoo bang ma-anghang o hindi..
Eto na.. Hindi ako handa!!
Wala pala ako lagayan ng chili flakes.. [emoji33]
Hanap ako ng madali sana itaktak..
Ayun!! Sakto nakakita ako extra lagayan for liquid condiment na gawa sa plastic.. (Natatawa na ako habang tina-type ko ito.. [emoji1787][emoji1787][emoji1787])
Ok na nilgay ko na yung Chili Flakes.. Pero syempre hindi kasya sa butas.. Proud ako sa naisip ko.. Madali lang ito, putulin ko lang ng konti para lumaki ang butas..
Hala sige lagari nung nguso.. Pagkatapos na excite na ako itaktak sa ulam ko..
"Oha!! Ang galing ko talaga!! Ang talino!!"
[emoji23][emoji23][emoji23]
Pagkatapos, nung sinara ko na..
"Hala! Bakit ayaw mag lock?!!"
Natawa ako sa ginawa ako..[emoji1787][emoji1787][emoji1787]
Epic fail!! Dun pala sa nguso yung clicking sound kapag na lock na.. Kaya ayun ending naka-angat na forever ang takip.. [emoji28]
