New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 10 of 21
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    29,354
    #1
    (taken from another car web-forum)

    Stupid Questions that need intelligent answers

    Ang aking kaibigan ay mayroon lang mga ilang katanungan na matagal nang bumabagabag sa kanyang araw-araw na pamumuhay. Maaaring ang iba rito ay alam na rin ito ngunit walang makapagbigay ng akmang kasagutan o pagpapaliwanag. Ito ay ang mga sumusunod:

    1. Pwede bang bumili ng hapi meal ang isang taong malungkot?

    Pwede, dahil ang masaya doon ay ang nagluluto hindi ang bumibili!

    2. pwede bang uminom ng softdrink kapag coffee break?

    Pwedeng uminom ng softdrink kung coffebreak ngunit kailangan itong lagyan ng asukal at kopimeyt. kopimeyt dapat at huwag gatas.(milk in my cereal, kopimeyt in my pepsi. sounds good to me!)

    3. pwede bang gamitin ang a.m. radio pag gabi na?

    Maari lamang gamitin ang a.m. radio kapag gabi kung ang iyong pakikinggan ay f.m.

    4. ang fire exit ba ay labasan ng apoy?

    Ang fire exit ay ginagamit lamang bilang labasan ng apoy kapag may sunog. Ito ang kanilang daan upang sila'y makatakas o ang tinatawag na "fire escape".

    5. ang uod ba pag namatay ay inuuod din?

    Ang tao kapag namatay ay hindi tinatao. Malamang ang uod ay hindi rin inuuod. Kung ang tao ay inuuod kapag nalaguatan ng hininga, siguro ang uod kapag namatay ay tinatao.

    6. totoo bang ang mga manok na pinatay sa jolibee ay masasaya kaya sila tinawag na chicken joy?

    Ang mga manok na pinatay sa Jolibee ay masaya kung kaya't sila'y tinawag na chicken joy. Ngunit hindi kinakailangang sa jolibee patayin ang manok upang ito ay maging masaya...ang mga manok ay nagiging masaya kapag sila ay may kasama sa buhay. Kapag ito ay nag- iisa lamang, ito ay hindi chicken joy kundi...mcchicken singles.

    7. mayroon bang kahit isang langgam na mahilig sa maalat? Alam na ba ninyo iyong patawa na "itlog maalat"?

    Nakagat ako minsan ng langgam.......

    8. kung ang 7-11 store ay bukas 24 hrs a day , 7 days a week , at 365 days a year. bakit may lock pa ang pinto nila? bakit ? bakit?

    Dalawa ang dahilan. Una, may coffee break (tingnan ang katanungan bilang 2 hinggil sa maaaring inumin kapag coffe break) din naman ang mga nagtatrabaho sa 7-11. Pangalawa, mayroon tayong tinatawag na leap year.

    9. bakit di mataas ang highway?

    Dahil kung mataas ang hiway, walang paglalagyan ng skyway.

    10. ba't alang lumilipad na sasakyan sa flyover?

    Hindi lang natin nakikita ang mga nagliliparang sasakyan sapagkat hindi tayo tumitingala kapag tayo ay nasa flyover. Ang pagsalin ng dayuhang salita na flyover sa katutubong wika ay "fly"-lipad, "over"- sa ibabaw. Ibig sabihin nito na ang mga kotse ay hindi lumilipad sa flyover ngunit sa ibabaw ng flyover. Ngayon kung titingala ka naman kapag ikaw ay nasa flyover ang tangi mong makikita ay ang kisame ng iyong sasakyan.

  2. FrankDrebin Guest
    #2
    hehehe.

    Alien!

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,942
    #3
    Sumakit lalo ulo ko pagkabasa ko nun... pilosopo na nga ang tanong lalo pa sinagot ng isa pang mas pilosopo! :bwahaha:

  4. Join Date
    Jul 2003
    Posts
    166
    #4
    nice one. hehehe

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    526
    #5
    HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHA

  6. Join Date
    Jan 1970
    Posts
    2,244
    #6
    wala atang magawa ang nagsulat nito tsk tsk

  7. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    1,465
    #7
    :bwahaha:

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,790
    #8
    sir, puede bang magtanong?....

    bakit tinawag na "ONE WAY" yung typical na one way na daan e kasya naman ang two na sasakyan?

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    11,355
    #9
    walanjo....

  10. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    331
    #10
    Luma na pala ito...... eh kasi naghihintay ako ng 1 am para sumundo....natawa naman ako kaya ok lang.....hehehehehe

Page 1 of 3 123 LastLast
Stupid Questions that need intelligent answers