Hello list,
may iku-konsulta lang ako sa inyo regarding my friend isa ring OFW dito sa Saudi. He's married, at yun misis naiwan sa Pinas. May nababalitaan kasi sya sa mga trsuted sources nya na nakita yun misis nya na may kasamang ibang lalaki - maraming beses daw. ang kailangan nya lang mapatunayan sa sarili kung totoo nga or hindi yun mga naririnig nya. gusto sana nya ng kopya ng bills ng handyphone ng misis nya. posible bang mahingi 'to sa telephone company? ayaw nya maniwala agad sa mga naririnig nya, gusto nya ng evidence.
yung kwento nya parang tumpak dun sa kanta na "Napakasakit Kuya Eddie"
sa mga lawyer sa list, kung mapatunayan na totoo nga ang mga naririnig nya, ano bang kaso ang pwede isampa sa misis nya? yun bang bank account nya sa pinas is considered as conjugal property?
maraming salamat!
p.s. gusto ko lang sya matulungan kasi yun lang nandito ka sa saudi ay mahirap na tapos lolokohin pa sya.


Reply With Quote
.
