Yan ang problema sa mga militanteng yan e. Basta naka-fatigue, taas agad sila ng mga pulang signs nila sabay sigaw ng paulit-ulit na rhetoric about human rights, militarization,etc. Community service na nga ginagawa ng mga sundalo, reklamo pa sila nang reklamo. Bakit di sila gumawa ng active role para patahimikin ang lugar na yun. Tapos sabayan na rin nila ng mga medical mission at community service. At least maaalala kayo ng mga tao dahil sa kabutihan, hindi dahil sa talsik-laway nilang protesta. Sinawaan din ang mga residente ng Parola sa kanila apparently. At yun namang aux bishop, bumaba sana siya sa level ng mga residente doon. Obvious na wala siyang alam sa sitwasyon ng nasasakupan niya. Imbes na maging instrumento siya ng divisiveness, sana namagitan na lang siya para malaman niya at ng mga kasama niya kung papaano pa sila makakatulong pa. Sarado na kasi ang mga utak e!

Sa mga sundalo ng PA, good job!