New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 10 of 23
  1. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #1
    Nagbabala nitong Huwebes ang kompanyang SM Cinema Inc. na maaari itong magsara kung itutuloy ng pamahalaan ang pagpapataw ng dagdag na value-added tax sa ma sinehan.

    Ayon sa kompanya, dagdag na buwis ang sisikil sa industriya ng pelikula sa bansa.

    Sinabi ito ni Ric Camaligan ng SM Cinema isang araw bago ipatupad ang dagdag na VAT ayon sa E-VAT law.

    Sa Biyernes, magpupulong ang mga miembro ng National Cinemahouses Association of the Philippines kaugnay ng pagtutol nila sa 10-porsiyentong E-VAT sa mga tiket sa sinehan.

    Reklamo ni Camaligan, bukod sa mga manonood ay dagok din sa industriya ng pelikula ang E-VAT. Sa SM Cinema pa lang, aniya, nanganganib mawalan ng trabaho ang mahigit 1,800 mga empleado nito sa buong bansa.

  2. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #2
    Deferred ang eVAT di ba? Matuloy pa kaya pagsasara nila? Pag ganiyan, darami parokyano ng mga pirated DVDs.

    Baka nga next month, meron ng "clear/DVD" copies ng War of the Worlds.

  3. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,500
    #3
    hwehehwwhw!

    SIGURADO PILA NA YAN SA QUIAPO!!!
    block buster hits!!!

  4. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #4
    Quote Originally Posted by CLAVEL3699
    hwehehwwhw!

    SIGURADO PILA NA YAN SA QUIAPO!!!
    block buster hits!!!


    BILI kaa NAAHhh ..

    ng DE-be- DEhh


    DE BE DEHH

    DE - BE - DEh

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    665
    #5
    lintsak naman tong mga asosasyon na to, pag binigyan ng bagong buwis, ang parating panakot e, mawawalan ng trabaho ang libolibong mahihirap, tapos kunwari kampi sa consumers, kesyo mahihirapan na daw makanood ng sine ang karamihan sa mga manonood.

    solusyon e bawasan niyo ang kita niyo.

    kung ayaw niyo e di magsara kayo, DE BE DEH na lang kami.

  6. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    2,849
    #6
    nakow magkano na kaya ang lazyboy cinema nyan sa gateway with vat?


    tama may de be deh. haayyy kawawang edu. nde macocontrol ang mga illegal na operation.

  7. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    8,837
    #7
    Quote Originally Posted by BoEinG_747
    Nagbabala nitong Huwebes ang kompanyang SM Cinema Inc. na maaari itong magsara kung itutuloy ng pamahalaan ang pagpapataw ng dagdag na value-added tax sa ma sinehan.

    Ayon sa kompanya, dagdag na buwis ang sisikil sa industriya ng pelikula sa bansa.

    Sinabi ito ni Ric Camaligan ng SM Cinema isang araw bago ipatupad ang dagdag na VAT ayon sa E-VAT law.

    Sa Biyernes, magpupulong ang mga miembro ng National Cinemahouses Association of the Philippines kaugnay ng pagtutol nila sa 10-porsiyentong E-VAT sa mga tiket sa sinehan.

    Reklamo ni Camaligan, bukod sa mga manonood ay dagok din sa industriya ng pelikula ang E-VAT. Sa SM Cinema pa lang, aniya, nanganganib mawalan ng trabaho ang mahigit 1,800 mga empleado nito sa buong bansa.


    tingin ko sobrang overkill na talaga yun 10-12 cinemas in a Mall, particularly SM. kung minsan kasing parang greed na lang pinaiiral, gusto
    nila sa kanila na lang lahat. tapos pag naapektuhan sila palalabasin na
    buong Pilipinas ang apektado.

  8. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    11,316
    #8
    kahit palugi ang SM Cinema e tiba-tiba naman mga dept stores n malls ng SM e hehe

  9. Join Date
    Jul 2003
    Posts
    3,042
    #9
    deferred nga ata kasi rollback yung mga prices eh pati tollgate nag rollback

  10. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    4,313
    #10
    Quote Originally Posted by BlueBimmer
    kahit palugi ang SM Cinema e tiba-tiba naman mga dept stores n malls ng SM e hehe
    Sa parking lang, tiba tiba na sila. Buti dito sa SM Fairview, libre pa ang parking nila.

    Di ba, dati may threat na rin ang SM Cinemas na magsasara na din nuon.

Page 1 of 3 123 LastLast
sinehan mag sasara!!!!