Quote Originally Posted by cast_no_shadow View Post
Pano ba ang storage ng dash cam?

Gaano kalaki? and how do you use it? Once ba na aandar ka record na agad buong travel?

pero okay yan. How much na din to install a good one?

Ung naka install sa car ko binili ko sa suking bilihan ng blank CD's (gadgets), asa Php1,500/each.

Meron ako 2 para front at rear ng car ay covered.

I'm using 16Gig each cam, pwede ka mag select ng length of video recording, 3-5min since kung gusto mo naman pag dugtong dugtungin ung videos pwede using mga free softwares. Dala ka din ng reserve memory cards, para pag na accident ka nga palit ka ng memory cards, para secured na ung mga recordings mo while ung new memory cards ang mag capture ng mga susunod na pangyayari.

Naka plug lang ako sa cigarette lighter outlet, pag on ng car, mag on din ung mga dashboard cam at start recording na.

Kung magaling ka sa electricals, pwede ka maglagay ng relay sa car alarm mo, para pag naka park ang car mo at nag engage ung alarm mag close ung relay at magkaroon ng power ung mga dashboard cam, so mag record din sha every time na ma trigger ang alarm mo. Useful sha pag na-atrasan ka sa parking at tinakbuhan ka, kahit papaano meron kang evidence na hit-n-run at possible makuhanan ng video ung plate number, car model at mukha ng driver.