Ang hindi ko malimutang bad experience ko sa EDSA happened last year, nung minsang hiniram ko kotse ni erpats. Bihira ko na lang nga hiramin yung kotse niya, nung hiniram ko e naputulan pa ko ng timing belt ng alas-2 ng madaling araw habang pauwi ako galing opisina, sa may area pagkalampas ng Pioneer. Sobrang dilim pa naman ng lugar na pinagtirikan ng kotse kaya pinara ko na kaagad yung una kong nakitang taxi para mai-tow kotse sa amin (buti na lang pumayag). Hay naku kapag minalas ka nga naman, sana naman e wag mangyari to sa ibang tsikoteers.