New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 15 of 15
  1. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,077
    #1
    Ibinunyag kahapon ni Sen. Panfilo Lacson na dapat lumantad at magsalita na si Comelec Commissioner Virgilio Garcillano bago magtagumpay na maitumba ito para mapigilang ilantad ang katotohanan sa umano’y nangyaring dayaan sa nakaraang May 2004 elections.

    Sinabi ni Sen. Lacson sa kanyang speech sa paglulunsad niya ng "Be Not Afraid" call sa Manila Hotel, dapat ipagtapat ni Garcillano sa publiko ang kanyang nalalaman sa tunay na pangyayari sa katatapos na halalan dahil nasa panganib na ang kanyang buhay.

    Naniniwala si Lacson na naririto lamang sa Metro Manila si Garcillano at itinatago ng grupo umano ni DPWH Sec. Hermogenes Ebdane upang pigilan itong magsalita.

    Wala anyang ibang mag-iinteres sa buhay ni Garcillano kundi ang mga taong natatakot siyang lumantad at ibunyag ang kanyang nalalaman sa Gloria-Garci tape.

    Ayon pa kay Lacson, ang katotohanan ang tunay na magpapalaya sa mga Filipino kaya magtatayo sila ng mga "be not afraid" centers sa buong bansa upang mamahagi ng libreng taped conversation para malaman ng publiko ang naging pag-uusap umano nina Pangulong Arroyo at Garcillano habang nagsasagawa ng bilangan sa nakaraang eleksiyon.

    Sa nilalaman umano ng pag-uusap ay siniguro ni Garci na magagawan nila ng paraan na mahigit isang milyon ang ilalamang ng Pangulo kay Fernando Poe, Jr. sa pamamagitan ng pagmamanipula sa resulta ng bilangan ng boto sa Lanao at 5 pang lalawigan sa Mindanao at Cebu.

    Nangako din si Lacson na ipababatid niya sa publiko ang resulta ng isinagawang "authentication" ng mga boses sa tape na ipinasuri niya sa isang voice expert company sa Australia.

    Dito rin anya nagpapasuri para sa voice comparison at identification ang Hong Kong at Australian police forces para sa voice analysis.

  2. Join Date
    May 2004
    Posts
    1,175
    #2
    di kaya sya lang ang may gustong magpatumba kay garci, para isipin ng mga tao pakana ng majority? hmmm. possible!!!

  3. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,077
    #3
    Quote Originally Posted by silhouette
    di kaya sya lang ang may gustong magpatumba kay garci, para isipin ng mga tao pakana ng majority? hmmm. possible!!!


    Pwede Bro...

    alam mo naman si PING magimik din

  4. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #4
    Ahhhh! Ho-huuummm! :yawn: May bago pa ba?

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,614
    #5
    pero di na rin ako magugulat kung ipapatumba nga ng administration si garci...

  6. FrankDrebin Guest
    #6
    Quote Originally Posted by silhouette
    di kaya sya lang ang may gustong magpatumba kay garci, para isipin ng mga tao pakana ng majority? hmmm. possible!!!
    Pwede. Kuratong baleleng again.

  7. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    500
    #7
    All for his own interest.

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,144
    #8
    psywar lang yan...

  9. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    2,059
    #9
    the administration will lose more if ipatumba nila si Garci. Just like sa kay whistle blower na si Ong, sometimes gimik lang nila ito and blame it on the admin.

  10. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,077
    #10
    gaya ng sinementuhan nila sa loob ng drum sa Pampanga.....

    di ba mga bata din ni erap iyon

    wwheeewww kakatakot ...

  11. Join Date
    Jan 2004
    Posts
    218
    #11
    But he makes sense - delikado si Gloria pag lumabas si Garci.

    Kung kakanta siya magiging double platinum na yung CD nila ni Gloria.

  12. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    8,837
    #12
    Dito rin anya nagpapasuri para sa voice comparison at identification ang Hong Kong at Australian police forces para sa voice analysis.
    eto talaga nakakapagtaka eh pare-pareho din naman software ginagamit dyan sa pag-verify ng voice. it's just a program na may sampling point & graph. pareho din naman Pentium 4 ginagamit, kahit nga lumang Pentium I noon panahon ng 1997-1998, nakakapag-analyze na mga authorities sa America. This process of verifying is not as CPU intensive as it seems hehehe

    d ko talaga maintindihan kumbakit pag Australiano, Amerikano, taga-Hongkong, Vietnam hehehe, credible. pero ang sarili natin NBI hinde.
    what a policy! tsk tsk tsk and they always say that GMA is a puppet of America or some other superpower. Pero sila din mga taga-opposition maniniwala lang sa findings ng mga dayuhan voice analyst.

    and 1 last thing, how the hell can these foreign voice police understand Tagalog? determine the tone, clarity, nods etc. it's like making them listen to a SETI signal. unknown & sounds lang ehehe. another example would be, hiring pinoy voice analysts to transcribe, analyze recorded Mainland China conversations. baka mag-resign na lang mga yun.
    Last edited by oldblue; June 26th, 2005 at 09:41 AM.

  13. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    8,837
    #13
    dagdag ko lang even Joyce Jimenez' voice sounds like that of the President. havent you noticed? but ***ier

  14. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,307
    #14
    parang may sipon silang dalawa mag salita..hehehe

    si ping nag labas ng statement? nuninuninuninuninuni
    Got Mazda?-http://www.MAZDAtech.org [SIZE="1"]est. 2000[/SIZE]
    got mazda 2? -> mazda2ners

  15. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,271
    #15
    Quote Originally Posted by ARB
    the administration will lose more if ipatumba nila si Garci.
    habang buhay si garci, di yan makatulog ng tahimik si gma. pag may mag offer lang ng security at big money kay garci para aminin nya a sya at si gma ang nasa tape, tapos na ang glory ni gloria plus lalabas pa na hero si garci.
    Last edited by explorer; June 26th, 2005 at 03:10 PM.

Garci balak itumba - Ping