Results 1 to 10 of 15
-
June 24th, 2005 08:25 PM #1
Ibinunyag kahapon ni Sen. Panfilo Lacson na dapat lumantad at magsalita na si Comelec Commissioner Virgilio Garcillano bago magtagumpay na maitumba ito para mapigilang ilantad ang katotohanan sa umano’y nangyaring dayaan sa nakaraang May 2004 elections.
Sinabi ni Sen. Lacson sa kanyang speech sa paglulunsad niya ng "Be Not Afraid" call sa Manila Hotel, dapat ipagtapat ni Garcillano sa publiko ang kanyang nalalaman sa tunay na pangyayari sa katatapos na halalan dahil nasa panganib na ang kanyang buhay.
Naniniwala si Lacson na naririto lamang sa Metro Manila si Garcillano at itinatago ng grupo umano ni DPWH Sec. Hermogenes Ebdane upang pigilan itong magsalita.
Wala anyang ibang mag-iinteres sa buhay ni Garcillano kundi ang mga taong natatakot siyang lumantad at ibunyag ang kanyang nalalaman sa Gloria-Garci tape.
Ayon pa kay Lacson, ang katotohanan ang tunay na magpapalaya sa mga Filipino kaya magtatayo sila ng mga "be not afraid" centers sa buong bansa upang mamahagi ng libreng taped conversation para malaman ng publiko ang naging pag-uusap umano nina Pangulong Arroyo at Garcillano habang nagsasagawa ng bilangan sa nakaraang eleksiyon.
Sa nilalaman umano ng pag-uusap ay siniguro ni Garci na magagawan nila ng paraan na mahigit isang milyon ang ilalamang ng Pangulo kay Fernando Poe, Jr. sa pamamagitan ng pagmamanipula sa resulta ng bilangan ng boto sa Lanao at 5 pang lalawigan sa Mindanao at Cebu.
Nangako din si Lacson na ipababatid niya sa publiko ang resulta ng isinagawang "authentication" ng mga boses sa tape na ipinasuri niya sa isang voice expert company sa Australia.
Dito rin anya nagpapasuri para sa voice comparison at identification ang Hong Kong at Australian police forces para sa voice analysis.
-
June 24th, 2005 08:32 PM #2
di kaya sya lang ang may gustong magpatumba kay garci, para isipin ng mga tao pakana ng majority? hmmm. possible!!!
-
June 24th, 2005 08:39 PM #3Originally Posted by silhouette
Pwede Bro...
alam mo naman si PING magimik din
-
-
June 24th, 2005 08:58 PM #5
pero di na rin ako magugulat kung ipapatumba nga ng administration si garci...
-
FrankDrebin Guest
-
-
Tsikot Member Rank 5
- Join Date
- Oct 2002
- Posts
- 3,144
-
June 24th, 2005 11:16 PM #9
the administration will lose more if ipatumba nila si Garci. Just like sa kay whistle blower na si Ong, sometimes gimik lang nila ito and blame it on the admin.
-
June 25th, 2005 12:00 PM #10
gaya ng sinementuhan nila sa loob ng drum sa Pampanga.....
di ba mga bata din ni erap iyon
wwheeewww kakatakot ...
as an aside, in the olden days, anyone who does not move 'ala luksa during Holy Week, especially...
Traffic!