basta natatandaan ko sa peyups e P450 lang tuition fee per semester nung last sem ko nung 1986 (tanda ko na!). at wala kami ginawa sa campus maghapon kundi magsugal gaya ng pusoy at mahjong (tiles pa gamit ha!) at wala magawa yung pulis UP at wala naman pera sa table, listahan lang kung magkano na panalo at talo. at yung best friend ko nuon eh nag-rambol ang frat nya saka frat ko kaya nag-inuman na lang kaming dalawa habang nagpapatayan yung mga brods namin. at pag medyo gabi na sa likod ng main library lagi meron live *** show ng mga walang pambayad ng motel. pati na din sa likod ng gym, nahuli pa nga dun yung isang barkada namin kaya ayun nadilihensya ng pulis UP yung new nike shoes nya para di sila kasuhan ng unauthorised-***-behind-the-gym. sa sunken garden nagkalat ang gamit na condom, kaya yung mga nagpuputol ng damo e every 30 minits kung magtanggal ng naka-pulupot na condom sa shaft ng grass cutter nila. bs geology ang stepping stone ng gustong mag-shift sa engineering, ab economics ang bagsakan ng mga sipa sa engineering. pag wala na talaga college na tumanggap sa iyo kasi nasipa ka na ng lahat ng colleges e wag ka magdusa at andyan pa naman ang home economics o kaya social work. or phys ed! fine arts ang pinapasukan ng mga hindi pumasa sa upcat. after 1 sem pag ok grades nila sa fine arts saka mag-aapply pumasok ng ibang colleges, usually archi o kaya poli sci. then after 1 year sipa na din sila at di rin pala kaya. legal nga pala ang pumasok ng lasing, basta wag ka lang magre-recite. hindi required ang attendance sa college of engineering kaya syempre exam lang kung pumasok ako. lasing syempre, sarap mag-exam pag lasing!

psycho in every UP grad? of course naman, aminado kami dyan ba! pero mas psycho kayo, biro nyo sina-subsidize nyo pagaaral namin hehehe!