Kung ako hihiling ng isang batas na maipatupad, hindi naman para lang sa pansarili kong kapakanan (i.e. para hindi ako ma trapik pag drayb)
Discrimination - Tama na ang discrimination sa mga kapwa natin. Halimbawa na lang ang requirement sa pag aaply ng trabaho:
1. Pleasing Personality
2. Between 18-25 years of age
3. Photo in Bio-Data
4. Must be Female/Male
Kaya marami ang mahirap dahil sa mga guideline na ito. Mahirap dahil hindi makapaghanap ng trabaho dahil over-age, panget, ang mga candidate at ***ist ang mga P****inang employer.
Ang 35 years old na late na nakapag aral, gusto magbagong buhay, hindi makahanap ng trabaho dahil over-age daw, sabi ng employer.
Ang candidate na medyo hindi pantay ang mga mata eh hindi daw qualified based on pleasing personality quals. Mga likas kseng SUPERFICIAL tayong mga Pilipino.
Ang candidate daw na lalaki eh hindi pwedeng maging secretary dahil sa ***ual orientation requirement.
Damn, kung lahat lang sana ng tao sa Pinas eh magkakaron ng chance para makapag bagong buhay, eh makakabuti sa economy ng bansa. domino effect yan eh, lahat may work-lahat can afford to go to school-lahat educated-create more jobs-less govt spending for poor people-less dependent sa mga PUV-etc...
Of course this wouldnt happen over-night. but its a good start for a change, for the benefit the whole country. Kesa naman utang lang ng utang ang Gov't, wala namang plano kung paano babayaran ang utang. At kung meron man, hindi naman umu-ubra.
Sabi ko sa sarili ko, kapag ako naka chamba dito sa US, magtatayo ako ng negosyo where there will be no discrimination or whatsoever. Bata, matanda, panget, maganda, bakla, babae, pandak, matangkad, lahat pantay pantay. Also, maganda din ang negosyo sa penitentiary na nag bebenefit ang mga convicts or ex-convicts.
Sa ngayon eh wala akong maitutulong, pero kapag naka chamba ako, tiyak chamba sambayanan.
Karding po, sa susunod na halalan!




