may isa kaming kasama dating driver galing sya sa ibang site di nya kilala mga tao at di nya kilala "yabang" ko, hataw sa OT, bago mag payday magyayabang na sya kung ilang oras OT tapos magbibilang na sya kung magkano sasahurin nya...total gross nya ata mga monthly +/- 4200QAR pag wla sya napaguusapan na namin di lang din ako ang nakakahalata, isang umpukan talagang derecho tinanong ako, ikaw magkano basic mo? sinagot ko " boy, kahit magkanda kuba ka dyan kaka OT di aabot sahod mo sa sahod ko, partida sa basic na lang natin ilagay."
talagang may angking kayabangan, nagkwento magkano nagastos nya nung nagbakasyon sya nung pasko naka 20k daw kasi nag pa inom daw sya... binara ko nanaman "yung 20k mo sahog ko pa lang sa pansit".
Madami akong naging kasama pero never akong nagtanong ng sahod at nagkwnto ng sahod ko para i-compareparang nakakahiya
ganyan mambara sa mayayabang
tutal libre naman yan yabang e. talo lang talaga pag ikaw nauna...unless mabagal yung mga kausap mo![]()
sa mga pinoy na naging OFW noon, common na pangyayari ito. nong nagtrabaho kami ni mrs. sa london noon, dinala namin ang mga anak namin doon. annoying pag may masalubong kang pinoy, ang palaging tinatanong, "magkanong sahod mo dyan?" "anong kotse mo?", "bakit dinala mo pa mga anak ninyo dito, di nyo kaya sa liit ng sahod nyo". karamihan ng mayayabang, di naman sa nagyayabang din tayo, yong galing sa mahirap na pamilya. parang the bullied wants to bully somebody. please dont get me wrong, akala ng mga pinoy nurses sa UK, sila lang ang may malaking sahod. talagang nakakainis ang mga braggart.