New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 20 of 53

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    25,189
    #1
    Alam na ng buong mundo na isa kang GAGO...



    How a P14M lotto winner lost it all | ABS-CBN News

    Taong 2008 nang maging instant milyonaryo si Dionie Reyes.

    Si Dionie ay 42 noon at nagtatrabaho bilang isang utility worker nang manalo ng P14 milyong.

    “System 7, lucky pick, kaya lahat ng kategoryang ‘yon hawak ko. Sabi ko, ‘Lord, thank you po, sana ako na iyon.’ Pero hindi ko po tinitingnan ticket ko,” sabi ni Dionie.

    Makalipas ang tatlong araw tiningnan ni Dionie ang hawak niyang ticket.

    Doon na niya nakumpirma na siya nga ang jackpot winner.

    At nang makubra ang pera...

    “Sabi ko sa manager ng bangko, magwi-withdraw ako ng P1 million para ma-experience ko makahawak ng P1 million. Atsaka issue-han niyo ako ng tseke, bibili ako ng Fortuner,” sabi ni Dionie.

    Isang bahay na may halagang P4 milyon ang binili rin ni Dionie para sa kanyang mag-ina.

    At patuloy rin siyang nagbigay ng balato sa mga kapamilya, kaibigan at ka-opisina.

    Maganda na sana ang kanyang buhay hanggang unti-unting naubos ang pera sa alak, babae at sugal.

    Napilitan na ring ibenta ang kanilang dream house para ipambayad sa ilang utang.

    “Kaka-sabong nga po. Siyempre nangungutang ako na dapat bayaran kaya napapabenta,” sabi ni Dionie.

    Matagal nang bumalik sa trabaho si Dionie.

    Noong nakaraang taon, inoperahan siya dahil sa sakit sa puso.

    Halos wala nang natira sa kanya.

    Maliban sa isang bahay na nagawa pa niyang mabili.

    May ilan pa rin siyang utang na kailangan bayaran.

    Si Boss Kaka na nabalatuhan din ng P100,000 ni Dionie, nanlumo sa sinapit ng kanyang empleyado.

    “I feel bad for him kasi ilan lang ang nananalo ng jackpot?” sabi niya.

    Isa lang si Dionie sa mga taong matapos maging milyonaryo ay muling naghirap dahil winaldas lang ang kayamanang napanalunan.

    Maluwag na naikuwento ni Dionie ang kanyang istorya.

    Sana raw ay magsilbi itong aral sa mga tatama sa lotto na pangalagaan ang kanilang panalo at huwag iwaldas sa masasamang bisyo. Pinky Webb, Patrol ng Pilipino

  2. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    15,310
    #2
    may existing thread na po to

  3. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    25,189
    #3
    Sorry, didn't know it was part of a seven year old thread.

  4. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    3,829
    #4
    Nilason ko na yan kung tatay ko yan.

    There goes our future tatay.

  5. Join Date
    Aug 2003
    Posts
    3,273
    #5
    Quote Originally Posted by CoDer View Post
    Nilason ko na yan kung tatay ko yan.

    There goes our future tatay.
    this is why not everybody is worth giving money to; some people just don't have any idea what to do with it.

  6. Join Date
    Oct 2011
    Posts
    26,781
    #6
    he did enjoyed the 14M at the very least.

  7. Join Date
    May 2006
    Posts
    6,940
    #7
    Fortuner talaga unang binili eh Iba talaga dating ng fortuner...Tapos inamin pa niya na sa pambababae niya nagastos etc etc..I wonder what the diplomatic relationship he has with his wife and kids now.

    As a lotto franchisee I have heard hundreds of stories like this. Pinaka panalo sakin yung days before he won, may nakaaway sa bilyaran si lotto winner. So nung nakuha niya premyo niya, nag hire siya ng killer to hunt down yung nakaaway niya. Yun siempre siya lang ang suspek, kulong si gago Sabi ko, sana binuhay nalang niya yung kaaway niya at nagbigay nalang ng balato sa lahat ng tao sa bilyaran na yun. Bili ka ng mamahaling sasakyan at idisplay mo araw araw sa tambayan ng kaaway mo, parang araw araw mo na rin siyang pinapatay kung ganun ka talaga ka galit.

  8. Join Date
    Oct 2011
    Posts
    26,781
    #8
    Kung nag invest lang sana sa business, real estate or stocks perhaps at hindi lang sa mga material na bagay.

  9. Join Date
    Nov 2010
    Posts
    25,276
    #9
    ^
    Couldn't agree more. Kapag hindi pinaghorapan, madali waldasin talaga sa mga hindi madudunong.

    Quote Originally Posted by Retz View Post
    Kung nag invest lang sana sa business, real estate or stocks perhaps at hindi lang sa mga material na bagay.
    Security guard siya, hindi niya alam yan. Best na payo sa ganyan eh huwag mamigay ng pera at sa bank na lang i-time deposit yung kalahati para hindi magalaw. Tapos make sure niya na yung anak niya eh mag-aral ng mabuti para siya na magpalago niyan.

    Dapat kasi hindi niya pinagkalat na nanalo siya. tsk tsk
    Fasten your seatbelt! Or else... Driven To Thrill!

  10. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #10
    marami talaga ganyan ugali -- show off

    galing kasi sa hirap, 1st time maka-experience makahawak ng pera kaya ganun ganun nalang

    living their life my ass

    hinde nila ma-kontrol sarili nila. akala nila unlimited na yung pera na yun

    bili dito bili doon brag here brag there

    may investment ba ? wala... yung bahay, the least..

    mga totoong mayaman hinde kailangan ipagsigawan sa buong mundo na marami sila pera they just shut up

    may client nga ako eh, alam ko mayaman talaga yun pero yung kotse niya isang hamak na beaten up revo na may driver

    meron din naman akong client na alam mong puro porma lang talaga

    ipagsisigawan mo na may lc ka sa isang shop?? really?? pathetic

  11. Join Date
    Sep 2011
    Posts
    1,313
    #11
    sayang yung 14 million , ganyan ata talaga kapag hindi mo pinag hirapan yung pera kadali maubos

    may kakilala ko .. na rated k pa dahil sa pag yaman niya at naka bili pa ng hummer at bmw x5
    ... peru titignan mo sa sarili niya simpleng tao sia.. at sia pa rin yung nag titinda ng kanyang negosyo sa palengke..

    merun naman ako kapit bahay nag ka pera lang ng kaunti.. ang tindi na ng hangin sa kwento :rofl:

  12. Join Date
    May 2006
    Posts
    1,620
    #12
    wow! sayang naman... ako siguro manalo ng ganon, invest ko agad sa apartment or mag-put up ng business, yung iba time deposit, tapos buy ako family car then yung gamit ko ngayon na auto gawin kong pang-show car...

    kung nagamit nya lang siguro ng maayos yon... nasa huli talaga ang pagsisisi...

  13. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    45,927
    #13
    yung mga poor kasi madami pent up desires

    madami sila gusto bilhin at ma-experience kaya pag nagkaroon ng pera nauubos agad

    wala sila self control, wala thinking of the future

    so in a few years back to zero mga lottery winners

    people say they should have kept it secret

    they can't keep it secret coz they get overwhelmed by the money. they go crazy. everyone sees them go crazy. lahat hihingi ng balato. they can't say no

  14. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #14
    hahahaha siguro kapag si torque master tumama sa lotto binili na lahat ng SiR na for sale

  15. Join Date
    Sep 2011
    Posts
    769
    #15
    Money can't buy class!

  16. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #16
    *jrn29

    Parang yung friend ng friend ko. He has an Escalade and several high-end SUVs & yet, his parents still continue to sell meat sa market.

    When he and his family roams around the city, Fortuner lang dala nila.

    In short, humble pa rin despite the riches they have. Pinaghirapan kasi.

    *Harangody

    Money can't buy you a brain!

  17. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #17
    Yung autoplus daw nasa Banawe. :hysterical:

    Oo, baka nga tumaas pa eh. Classic kasi. :D :rofl01:

Idiot loses 14m lotto money (or how not to look stupid),