New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 6 12345 ... LastLast
Results 1 to 10 of 53
  1. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    25,039
    #1
    Alam na ng buong mundo na isa kang GAGO...



    How a P14M lotto winner lost it all | ABS-CBN News

    Taong 2008 nang maging instant milyonaryo si Dionie Reyes.

    Si Dionie ay 42 noon at nagtatrabaho bilang isang utility worker nang manalo ng P14 milyong.

    “System 7, lucky pick, kaya lahat ng kategoryang ‘yon hawak ko. Sabi ko, ‘Lord, thank you po, sana ako na iyon.’ Pero hindi ko po tinitingnan ticket ko,” sabi ni Dionie.

    Makalipas ang tatlong araw tiningnan ni Dionie ang hawak niyang ticket.

    Doon na niya nakumpirma na siya nga ang jackpot winner.

    At nang makubra ang pera...

    “Sabi ko sa manager ng bangko, magwi-withdraw ako ng P1 million para ma-experience ko makahawak ng P1 million. Atsaka issue-han niyo ako ng tseke, bibili ako ng Fortuner,” sabi ni Dionie.

    Isang bahay na may halagang P4 milyon ang binili rin ni Dionie para sa kanyang mag-ina.

    At patuloy rin siyang nagbigay ng balato sa mga kapamilya, kaibigan at ka-opisina.

    Maganda na sana ang kanyang buhay hanggang unti-unting naubos ang pera sa alak, babae at sugal.

    Napilitan na ring ibenta ang kanilang dream house para ipambayad sa ilang utang.

    “Kaka-sabong nga po. Siyempre nangungutang ako na dapat bayaran kaya napapabenta,” sabi ni Dionie.

    Matagal nang bumalik sa trabaho si Dionie.

    Noong nakaraang taon, inoperahan siya dahil sa sakit sa puso.

    Halos wala nang natira sa kanya.

    Maliban sa isang bahay na nagawa pa niyang mabili.

    May ilan pa rin siyang utang na kailangan bayaran.

    Si Boss Kaka na nabalatuhan din ng P100,000 ni Dionie, nanlumo sa sinapit ng kanyang empleyado.

    “I feel bad for him kasi ilan lang ang nananalo ng jackpot?” sabi niya.

    Isa lang si Dionie sa mga taong matapos maging milyonaryo ay muling naghirap dahil winaldas lang ang kayamanang napanalunan.

    Maluwag na naikuwento ni Dionie ang kanyang istorya.

    Sana raw ay magsilbi itong aral sa mga tatama sa lotto na pangalagaan ang kanilang panalo at huwag iwaldas sa masasamang bisyo. Pinky Webb, Patrol ng Pilipino

  2. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    15,326
    #2
    may existing thread na po to

  3. Join Date
    Oct 2011
    Posts
    26,787
    #3
    Kung nag invest lang sana sa business, real estate or stocks perhaps at hindi lang sa mga material na bagay.

  4. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    25,039
    #4
    Sorry, didn't know it was part of a seven year old thread.

  5. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    3,829
    #5
    Nilason ko na yan kung tatay ko yan.

    There goes our future tatay.

  6. Join Date
    Aug 2003
    Posts
    3,273
    #6
    Quote Originally Posted by CoDer View Post
    Nilason ko na yan kung tatay ko yan.

    There goes our future tatay.
    this is why not everybody is worth giving money to; some people just don't have any idea what to do with it.

  7. Join Date
    Oct 2011
    Posts
    26,787
    #7
    he did enjoyed the 14M at the very least.

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,038
    #8
    ok lang yan, at least na enjoy niya, now he should just be ready to face uncertain future again... malay mo manalo ulit siya

  9. Join Date
    May 2006
    Posts
    6,940
    #9
    Fortuner talaga unang binili eh Iba talaga dating ng fortuner...Tapos inamin pa niya na sa pambababae niya nagastos etc etc..I wonder what the diplomatic relationship he has with his wife and kids now.

    As a lotto franchisee I have heard hundreds of stories like this. Pinaka panalo sakin yung days before he won, may nakaaway sa bilyaran si lotto winner. So nung nakuha niya premyo niya, nag hire siya ng killer to hunt down yung nakaaway niya. Yun siempre siya lang ang suspek, kulong si gago Sabi ko, sana binuhay nalang niya yung kaaway niya at nagbigay nalang ng balato sa lahat ng tao sa bilyaran na yun. Bili ka ng mamahaling sasakyan at idisplay mo araw araw sa tambayan ng kaaway mo, parang araw araw mo na rin siyang pinapatay kung ganun ka talaga ka galit.

  10. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    45,927
    #10
    kaya it doesnt really help poor people by giving them money. they'll spend all of it in no time

    what's great is they don't hoard money

    like i said in the other thread, pag mayaman ang nanalo nyan itatago lang ang pera

    kung si shadow nanalo nyan baka makalimutan pa niya i-deposit ang cheke... isang buwan na nasa wallet niya ang cheke... nawala kasi sa isip niya nadagdagan ng 14 million pesos ang kanyang net worth

    hehe

Page 1 of 6 12345 ... LastLast
Idiot loses 14m lotto money (or how not to look stupid),