Results 11 to 20 of 44
-
October 11th, 2013 12:51 PM #11
dati gustong gusto ko pasko kasi madaming pera pero ngayon ayaw ko na kasi 13th month at bonus ko ganon din halos nauubos din sa mga pang regalo at pakain tapos hihirit pa mga tao ko na under sa akin ng pamasahe pauwi kung san man okaya pang inom, ganon din sa tropa since alam nila ako lang din talga medjo maluwag hirit din painom at pakain. mga supplier or customer hihirit naman pang raffle para sa xmas party nila. kaya pag pasko mahina 200k gagastusin ko. di tulad nung college at nag uumpisa pa lang mag trabaho ako parati ang nireregaluhan at walang ginagastos pati mga tita/tito/lola/lolo nag bibigay sa akin ng pera ngayon baligtad na.
iniisip ko dati mag ibang bansa na lang pag pasko kaso nung tiningnan ko gastos ganon din pamasahe at gagastusin mo don tapos syempre iba pa din pag madami kayo mag kakasama pag pasko at mag iinuman diba. yung tita ko kasi ganon ginagawa since mga anak niya nasa abroad naman na so para iwas gastos siya, gastos lang niya pamasahe pag dating sa states sagot naman na lahat ng mga anak niya.
-
October 11th, 2013 12:53 PM #12
-
October 11th, 2013 12:56 PM #13
Plus mo pa yun compulsory reunion ng family sa bahay. Pagod talaga since all guest are families so at home Maaga darating tapos late uuwi..hirap nakakapagod making host. Then the catering man...I'm too old for this Xmas thing.
Xmas is really for kids talaga
Sent from my iPad using Tapatalk
#retzing
-
October 11th, 2013 01:01 PM #14
buti na lang sa amin yung family reunion sa side ko parents ko sumasagot pero sa side naman ng wife ko kami ang taya. kaya ginagawa ko papa bili na lang ako ng kfc at contis or sa amber basta yung mura lang since small family lang naman yung sa side ng wife ko since 3 lang sila mag kakapatid plus nanay niya and 2 anak ng kuya niya at asawa. pero kung malakilaki family non patay na no choice ka talaga kung hindi mag pa cater.
-
October 11th, 2013 01:31 PM #15
Eversince i got my 1st job 5 years ago, i always overspend pag christmas.. Pero kahit magastos, i make sure na meron ako maiabot na kahit ano man sa mga kapamilya, inaanak, kamag-anak, kaopisina, mga nagwowork samen, at sa kung sinuman naging malaking bahagi ng year ko.. Even yun barber ko at nagtitinda ng prutas sa harap namin binibigyan ko ng kung anuman..
It doesnt necessarily have to be expensive, basta meron lang para sa lahat.. ika nga eh its the thought that counts.. I also take time to wrap all the gifts kahit di ako talaga marunong, just to add personal touch..
Sent from my iPhone using Tapatalk
-
October 11th, 2013 01:50 PM #16
ako binibigay ko yung mga regalo kay misis ng mga tao niya.
minsan nabigay ko pala sa bata kapeng decaf. hehe
at least ayos yun.
nakapagbigayndin pala ako ng personalized mug na name ni esmi. hehe, nag reklamo yung bata. hehe
a little ot:
may nagbigay sa anak ko ng pastillas yung itsura. pati siya alam niya pastillas eh hindi niya hilig yun.
pag nguya ko goma! pambura pala hehehe!
ang galing!Last edited by holdencaulfield; October 11th, 2013 at 01:54 PM.
-
October 11th, 2013 02:11 PM #17
-
October 11th, 2013 02:21 PM #18
2011 xmas tag tuyot kami ni esmi as in walang wala kami yung 13th month namin pinambayad namin kung saan meron man natira para sa anak na lang namin.
ang handa nga lang namin sa bahay ay 6pcs KFC hindi pa yung may side dish hindi naman kasi palaturo ang anak ko basta sa pagkain kung ano ang nasa lamesa yun lang talaga... as in tulog lang.
Xmas day eto na may nagddadatingan na mga kamag anak ko at mga pinsan nang misis ko, policy nang village pag walang abisong plate number or pangalan sa guard house na bibisita need nila tawagan ang bahay na pupuntahan. Ang ginawa ko talaga pinasabi ko sa guard ay walang tao sa bahay namin,
Tawag sila sa cellphone sagot naman kami ang sinabi na lang namin na pumuta kami sa tagaytay at dun kami nagpasko. May sira ulo akong pinsan susunod daw sila para daw masaya mga 2hrs lang naman daw byahe. Nagdahilan na lang ako na pagkatapos nun pupunta kami sa batangas naman dun sa kaibigan ko... nakahalata siguro na ayaw ko pakita kaya ayun tinantanan din nila ako.
Mahirap pagpasko na wala kang pera mukha kang kawawa.
-
October 11th, 2013 02:32 PM #19
kaya maganda pa whole day nasa labas pag pasko.. simba sa umaga.. tapos diretso sa mall.. kain na lang sa labas tapos nood sine mga kids.. para di ka mahanap nang mga inaanak..
-
October 11th, 2013 02:36 PM #20
see my pahabol statement above. i mean, i can go on vacation anytime. but my spouse has her...
Traffic!