halagang 100 pesos, pinag-interesan pa... share ko lang experience ko..
we were in greenhills tiangge last tuesday night around 9pm. nanood lang kami ng show na palabas sa parking lot then nag-ikot ikot sa tiangge. nung pauwi na mga 11pm, nakabili kami ng 2 jacket for kids worth 360 (180 each), so i paid 500 then yung sukli 140 ay binulsa ko lang. nung palabas na kami sa tiangge compound, dinukot ko yung car keys and lumakad na palabas. then may tumawag sakin na nahulog daw yung pera ko at itinuro yung 3 tao na lumalakad palayo. so hinabol ko agad at naabutan ko naman yung 2 babae at 1 lalake. i was asking kung saan na yung napulot nila. yung isang babae ay di sumasagot, so kinausap ko yung mag-syota at sinoli naman agad sakin yung hawak nila na 40 pesos. sabi ko 140 yun, san na kako yung 100. andun daw sa isang babae,di daw nila kilala yun.. 40 lang daw binigay sa kanila. yun daw kasi ang pumulot ng pera.. paglingon ko dun sa 1 babae, nakalakad na pala ng palayo na mabilis papunta sa sakayan ng bus.. hahabulin ko pa sana but sumakay kaagad ng bus...
kung sino ka man miss (wearing dark brown shirt and black pants), halagang 100 lang, pinag-interesan mo pa... sayang may itsura ka pa naman...![]()


Reply With Quote
