mag rizal ka sa antipolo. Isang direchong byahe yan lang lets say sa cogeo ka tumira or kahit yung malapit sa masinag yung may cherry foodarama. Cogeo-masinag-sta lucia-santolan-cubao-aurora/erod. Saan qc ka magwork?

Pag umabot yung LRT-II sa masinag eh laking ginhawa kasi yan yun lugar na sumisikip. Jan nagkukumpulan bus, jeep, kotse, motorcycle. Yan ang crucial = welcome to masinag station.

Ito pa, sa antipolo wala ka tollgate na babayaran. Mapuno din jan at malamig sa gabi. Hindi pa binabaha unlike doon sa area ng sta lucia mall na nagmumukhang ilog pag typhoon season.

Sa bulacan wala ako alam. Ang recolletion ko lang madami magaganda bulakena ang kikinis. Jan ako nagbakasyon highschool days sa sapang-palay yung farm dati ng uncle ko.

Ay ito, pag isipan mo mabuti yang bulacan kasi paano kung jan itatayo airport eh bwisit yan. Traffic galore.

Oo nga pala wag din kakalimutan kung ano ang water source ah. You dont want yung nangyayari sa south yun laguna de bay.