Palpak talaga ang Avenida beautification project, ginandahan lang ang mga pwesto ng mga hostes. Daming homeless natutulog na sa mga benches.
Goldilocks sarado na. Goodwill lilipat na daw sa ibang lugar. Maraming building tulad ng Alemars bakante pa rin with no plans of opening. Sa tulay bungi bungi na ang mga ilaw. Hindi ba nila naisipan madali lang nakawin ang mga bumbilya?
May chance pa kaya ibalik ang kalsada? Hirap talagang magdrive around it.
wala bang nangyari don sa mga pinaggagawa ni atienza don? mukha ngang hindi nag click kasi walang balita. hindi katulad nung baywalk. daming nagagawa saka dami ding mga shows.
The difference of Baywalk and Avenida is that there are already tourists (local & foreign) who really go to Roxas Blvd. Avenida is simply just another road before Atienza closed it.
Not just any road, it's the main road into the heart of downtown Manila. Atienza closed it without any plans for alternative road other than reroute them through small streets. Kaya ngayon barado ang area, grabe ang bottleneck.
Naghihirap ang mga jeep/taxi drivers and commuters habang mga hostes at homeless nakahiga diyan sa Avenida park.
oo nga, sobrang trapik nung ni reroute ung mga sasakyan. naligaw pa kami dati at naghahanap ng lugar kaya nasabay kami sa mga jeep at sobrang trapik.
oo nga pala. maraming tourist sa may roxas, pero diba, kung maayos naman ung pagkakagaw nung sa avenida baka dayuhin din un. kasi mukhang may mga establishment pa na mailalagay. pero mukhang pangit na talaga pangalan ng avenida kaya ganyan nangyari.
sir flakez, isa pa wala namang unusual sa avenida, isang street lang siya na napalibutan ng mga lumang buildings at malapit sa quiapo at tondo na maramig sira ulo...
di tulad sa baywalk at least nasa bay siya, masarap ang hangin kahit papaano, medyo madaling icontrol ang crime kasi konti lang mapagtataguan ng mga snatchers etc.. hehe kaya mukhang simula palang eh palpak na ang avenida, although kung beautification ang purpose nila eh, napaganda nga naman, pero sayang. sana sa iba nalang binaling ang funds na ginamit
ahh. hindi talaga ako napapadpad don e. hehe. pero may point din si mayor kasi dati yatang sikat na lugar un na gusto lang nilang i revive. pero mukhang marami talagang lokoloko sa lugar na yan kaya takot pa rin mga tao. dapat nilinis muna nila yung lugar saka inayos security.
Flakez, dati rin naman sikat yung Escolta, bakit hindi nalang iyan ang tinarget ni Atienza? Konting kotse lang dumaraan ngayon diyan, pwedeng isara without major havoc.
Hindi talaga sisigla ang mga negosyo sa new Avenida. Wala kasing parking. Talagang sarado completely. Wala na rin dumaraan na car/jeep kaya mas konting exposure ang mga tindahan for potential customers.
marami rin naman nagawa na maganda si mayor. Sa roxas blvd. , pati yung mga parks like the one at quirino ave. paco area. Siya lang ang mayor na nakapag paganda ng roxas blvd. diba. and plaza miranda na mas maganda ngayon. City Hall magulo pa rin sa loob pero kahit paano mas maayos and mas mabilis na magbayad ng real estate tax compared dati.
Dito lang nga palpak ang avenida project niya. Gumanda talaga and well lighted siya lalo na sa gabi, ang problema sablay ang rerouting ng mga vehicles that used to pass the avenida/raon route. Ang gulo pa ng intersection ng recto/avenida, di mo malaman kung kelan ka go or stop, parang kanya kanya na, kaya pag nagkaswapangan super traffic!!!
yesterday i walked by avenida from ongpin to raon. maganda sana, kaya lang yung mga bench puno ng mga sari saring tambay na mukhang nag aabang ng mabibiktima . kailangan siguro ng police visibility.
mukhang paving blocks ang ginamit na flooring kaya pwede itong ibalik sa dati kung magbago isip ng mayor or mag palit na ng mayor.
surely, avenida is one of the many spots worth uplifting for tourist attractions..
institution na yan where relics abound like luneta, paco park, old manila cathedral and its surroundings, escolta, etc. (smokey mtn/tondo, excuse me)..
tagal ko nang hindi nakakalakad jan mula ng magka-LRT na; lampas-lampasan na lang talaga and will never regain its glorious past pag hindi ginastusan at pinalayas ang mga bad elements dyan; sayang..
only the oldies can appreciate how these sights looked like ages ago..the way they were on sepia-colored photographs my erpat & his sisters treasured back in their late teens & early twenties..
mayor, dont miss this rare chance to leave a lasting legacy; let's look back and give justice to our pasts.. paki-approve naman ng funds for these worthwhile projects, please.
There's many ways to beautify Manila without closing down the national road. For one thing, why not revived Luneta Park? We visited Luneta 2 months ago, napakababoy na. It's not the same Luneta I visited when I was a kid. Mga gardens (Japanese garden, Chinese garden) puro squatter nasa loob, wala nang halaman o bulaklak o isda. Ayusin na rin ang Manila Zoo and Metropolitan Opera House. Linisin ang Divisoria. Ayusin ang mga roads, bilisin ang pag-gawa ng LRT. Tumayo ng concrete na palenke with low-cost rent para ilipat ang mga street vendors. And many more ideas.
The problem with Avenida is, lahat ng jeep have to re-route through Doroteo Jose by making a right turn and then a left turn at T. Mapua, which is only 2 lane street. Dito ang barado sa traffic. Wala talagang ibang solution other than open up Avenida. Lahat ng kinausap kong jeep/taxi/pedicab drivers, talagang galit hangang ngayon. Hirap na talaga sila. If that's not enough, mga pasahero kalat kalat na.
Iba talaga ang social crowd sa Avenida compared sa Baywalk. Madilim at marumi ang mga buildings at talagang walang alaga. All the great old movie houses have closed down. It has turned into a pukpuk paradise (Sir....gusto mo ng short time? 300 lang.). Even at 6 am!!
Monseratto, giniba na ang Odeon cinema. Gagawin daw department store. Buti nga eh, kadiri na tingnan. Pagnatapos ang construction nito atsaka SM San Lazaro, who would go to Avenida park to shop?