New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 19
  1. Join Date
    Jun 2004
    Posts
    260
    #1
    Palpak talaga ang Avenida beautification project, ginandahan lang ang mga pwesto ng mga hostes. Daming homeless natutulog na sa mga benches.

    Goldilocks sarado na. Goodwill lilipat na daw sa ibang lugar. Maraming building tulad ng Alemars bakante pa rin with no plans of opening. Sa tulay bungi bungi na ang mga ilaw. Hindi ba nila naisipan madali lang nakawin ang mga bumbilya?

    May chance pa kaya ibalik ang kalsada? Hirap talagang magdrive around it.

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,388
    #2
    wala bang nangyari don sa mga pinaggagawa ni atienza don? mukha ngang hindi nag click kasi walang balita. hindi katulad nung baywalk. daming nagagawa saka dami ding mga shows.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    29,354
    #3
    The difference of Baywalk and Avenida is that there are already tourists (local & foreign) who really go to Roxas Blvd. Avenida is simply just another road before Atienza closed it.

  4. Join Date
    Jun 2004
    Posts
    260
    #4
    Not just any road, it's the main road into the heart of downtown Manila. Atienza closed it without any plans for alternative road other than reroute them through small streets. Kaya ngayon barado ang area, grabe ang bottleneck.

    Naghihirap ang mga jeep/taxi drivers and commuters habang mga hostes at homeless nakahiga diyan sa Avenida park.

  5. Join Date
    Jul 2004
    Posts
    119
    #5
    Manila deserves a better mayor.

  6. Join Date
    Jul 2003
    Posts
    3,042
    #6
    actually maganda yung idea pero hindi maganda yung pagkaplano...

    hindi ko pa rin maisip paano naapprove yung plan na yan na ireroute sa may aranque market ang mga jeeps, na pagkaliit liit na daan...

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,388
    #7
    oo nga, sobrang trapik nung ni reroute ung mga sasakyan. naligaw pa kami dati at naghahanap ng lugar kaya nasabay kami sa mga jeep at sobrang trapik.

    oo nga pala. maraming tourist sa may roxas, pero diba, kung maayos naman ung pagkakagaw nung sa avenida baka dayuhin din un. kasi mukhang may mga establishment pa na mailalagay. pero mukhang pangit na talaga pangalan ng avenida kaya ganyan nangyari.

  8. Join Date
    Jul 2003
    Posts
    3,042
    #8
    sir flakez, isa pa wala namang unusual sa avenida, isang street lang siya na napalibutan ng mga lumang buildings at malapit sa quiapo at tondo na maramig sira ulo...

    di tulad sa baywalk at least nasa bay siya, masarap ang hangin kahit papaano, medyo madaling icontrol ang crime kasi konti lang mapagtataguan ng mga snatchers etc.. hehe kaya mukhang simula palang eh palpak na ang avenida, although kung beautification ang purpose nila eh, napaganda nga naman, pero sayang. sana sa iba nalang binaling ang funds na ginamit

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,388
    #9
    ahh. hindi talaga ako napapadpad don e. hehe. pero may point din si mayor kasi dati yatang sikat na lugar un na gusto lang nilang i revive. pero mukhang marami talagang lokoloko sa lugar na yan kaya takot pa rin mga tao. dapat nilinis muna nila yung lugar saka inayos security.

    conclusion.
    sayang pera ng mamamayan.

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    7,205
    #10
    they did not consider the surroundings....ganda nga park mo..eh yung mga katabi naman mga lumang buildings na di pinapaayos..

Page 1 of 2 12 LastLast
Kailan kaya bubukas uli ang Avenida?