New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 7 12345 ... LastLast
Results 1 to 10 of 67
  1. Join Date
    Jan 2015
    Posts
    4,581
    #1
    Retirement tips: Paano nga ba dapat paghandaan ang pagtanda?

    Wednesday, November 04, 2015 11:43AM

    By Annalyn Ardona

    Kasulukuyang palabas sa TV ang paglilimas ni Lola Carmen Pantaleon, isang retiradong guro at principal, ng pumasok na tubig-ulan sa kaniyang tinitirhang abandonadong gusali nang i-chat ko si Ely, executive producer ng "Reel Time" episode na "Ang Lesson Plan ni Ma'am."

    "Ely, bakit walang natira sa pamilya ni Ma'am Carmen? Bakit siya namumuhay nang mag-isa? Bakit walang natira sa pera niya, hindi ba siya nakapag-ipon?," sunod-sunod na tanong ko na tila isang interogasyon. Naninikip ang dibdib ko habang nanonood at gusto kong may masisi dahil nakagagalit ang naging kalunos-lunos na kalagayan ni Ma'am.

    Tulad ko, apektadong-apektado rin ang ilang netizens sa mga oras na iyon.

    Nakakaiyak! Omg! Sana makita kita Mam Carmen. Lord please give her good health pa.. *reeltimedocu *gmanews #ReelTime

    — grace sajorda (*iamGraxieh) October 25, 2015
    Ito yung linya nyang nagpa-iyak sa akin. Nagsimula sya sa "Papunta pa lamang sila, pabalik na ako..." ???? #ReelTime https://t.co/uBuLD98C9F

    — Yana™ (*AleanaTheGreat) October 25, 2015
    Grabe Nanay ???? nakakarelate po ako sa kwento mo kasi yung Lolo ko hindi naalala ng mga anak nya *reeltimedocu

    — Leigh Vidallon (*imrheaa) October 25, 2015
    Limampung taong nagtrabaho bilang guro si Lola Carmen. Dalawampung taon dito, ginugol niya rin bilang principal.

    Kuwento ng mga dating niyang estudyante at hinawakang guro, naging magaling na lider daw si Ma’am Carmen.

    “Masipag po siya. Very understanding, competent and brilliant manager sa mga teacher po namin noon. Very supportive siya,” kuwento ni Julie Fabros na ngayon ay isa na ring guro.

    “‘Nung elementary kami, siya ang naging principal namin and at the same time naging classroom teacher ko siya. Siya ay mabait, magaling magturo at talagang nagtuturo siyang maigi para maintindihan namin ‘yung lessons. Naging inspirasyon ko siya kaya nandito na ako ngayon bilang isang guro,” lahad naman ni Imelda Fabros.

    Nag-ipon ng pera si Ma’am Carmen at nakakuha pa ng lump sum mula sa kaniyang retirement pay. Pero ang nasinop niyang P200,000 ay naglahong parang bula nang mabiktima siya ng budol-budol gang. Ang kaniyang bahay, giniba noon para patayuan ng gusali. Pero hindi natapos ang istruktura kaya't sa abandonadong gusali na siya tumira.

    Ngayon, 91 taong-gulang na si Lola Carmen at nag-iisa. Hindi siya nakapag-asawa at namatay na rin ang kaniyang mga kapatid. Ang mga pamangkin niyang inalagaan at pinag-aral noon, nakalimot na raw sa kanilang lola.

    “Nalulungkot ako at nag-iisa na. Talagang hindi ko akalain na aabot pa ako ng ganiyan (sa edad na 91 taong gulang) dahil ‘yung mga kapatid ko mga namatay silang maaga.”

    “Inilaan ko ang aking buhay sa pagtuturo. At totoo nga, walang pera rito. Pero ang tunay na yaman dito ay ang aking mga napagtapos at ang karangalang maging tulay ng mga pangarap.”

    Nito lang 2015, pinarangalan si Lola Carmen bilang "Most Outstanding Tarlaqueno." Pero ang hinirang na katangi-tanging Tarlaqueno, ni hindi alam kung paano magkakaroon ng ataul, sakaling siya'y pumanaw na.

    Ang kinahinatnan ni Lola Carmen, sinasalamin raw kung ano ang maaaring kahinatnan ng taong hindi nagkaroon ng tamang paghahanda para sa pagtanda at pagreretiro.

    Umiwas sa scam

    Ayon sa registered financial planner na si Fitz Villafuerte, mahalagang protektahan ang pera at umiwas sa mga scam.

    “Pangunahing senyales na scam ang isang deal kung garantisado nilang babalik ang pera mo nang hindi ipinapaliwanag sa’yo ang risk. Lahat ng investment ay may risk, kapag zero risk, scam ‘yan.

    Another thing, kapag sinasabi nilang babalik ang pera mo nang mabilis, scam din yan. Ang stock market, ang usual growth rate lang niyan ay 18-20% a year.”

    Payo naman ni Randell Tiongson, manunulat ng librong “No Nonsense Personal Finance” at isang personal finance coach, “Kailangan may due diligence tayo, gawin natin ang ating assignment to verify kung credible ba ang mga kausap natin when it comes to money. Huwag tayo basta-basta maniniwala sa high-return, low risk."

    Huwag umasa sa iba

    Ayon din kay Villafuerte, magkaroon ka man ng sariling pamilya o hindi, hindi mo dapat asahan ang iba para sa iyong pagtanda.

    “Your children are not your retirement plan, you are responsible for your own retirement. Iyan ang nagiging cycle sa Pilipinas. By the time we retire, ang mga anak natin ay may sarili na ring pamilya na kailangan ding gastusan. Magiging pabigat tayo.”

    Si Tiongson, naniniwala ring hindi nakabubuti ang kultura ng pagiging dependent sa nakaaangat na kapamilya.

    “Ika nga nila, when you have more money, you have more relatives. Kung ikaw ‘yung nakaaangat, ikaw pa ang may burden. Ikaw ang masipag, masinop at matipid, pero iba ang makikinabang dahil nasa iyo ang burden. Hindi tama ‘yan.”

    Mag-ipon at palaguin ang pera

    Payo ni Villafuerte, ngayon na dapat simulang mag-ipon ng emergency fund na perang gagastusin sa mga biglaang problema. Dapat daw na ang maipong halaga ay katumbas ng anim na buwang gastusin na dapat ilagak sa isang savings account sa bangko.

    “As soon as kumikita ka na ng pera, kailangan paghandaan mo na ang retirement, the earlier you start, mas malaki ang magiging pera mo sa huli. Also, make it a habit to save and invest. Huwag mong hintayin na dumating ang malaking pera sa’yo bago ka mag-ipon. Kahit sa maliit na sahod, magtabi ka dapat buwan-buwan. Puwede ka ring rumaket pandagdag kita.”

    Kapag naipon na ang emergency fund, tsaka palang maaaring mag-ipon para sa investment o pamumuhunan para mapalago ang pera. Ayon kay Tiongson, magandang ilagak ang ipon sa iba’t ibang uri ng investment at hindi sa iisa lang.

    “Ang context ng pagpapalago ng pera ay hindi dapat isang investment lang. Dapat tatlo, apat o lima. Huwag kang umasa na sa isang option lang ay kasya ka na. Iba-iba kasi ang performance ng mga iyan.”

    Ilan sa halimbawa ng mga maaaring paglagyan ng puhunan ay ang mga time deposit, Unit Investment Trust Fund (UITF) na produkto ng mga bangko, stock market, mutual funds, ari-arian tulad ng mga lupain, condominium, apartment at maaari ring mag-negosyo.

    Protektahan ang iyong naipon

    Ayon sa mga financial adviser, mahalagang protektahan ang inipong pera.

    “May mga life insurance policy na may mga riders for terminal illness. So kapag nagkaroon ka kunyari ng cancer, maaari kang makakuha ng malaking halaga kahit buhay ka pa.

    Medyo morbid, pero I also recommend getting memorial plans, huhulugan mo ‘yan tapos kapag nawala ka na, sagot na nila ang libing mo,” payo ni Villafuerte.

    Dagdag naman ni Tiongson, “I also recommend health plans pero the problem with that, their coverage stop at 60-65 years old, usually may limit sila. So mahalaga talaga na ‘yung iipunin ay dagdagan pa and invest it properly. Create your own health plan kumbaga.”

    Huwag maniwala sa YOLO (You Only Live Once)

    Para kay Villafuerte, kailangan ng sakripisyo para makamit ang maginhawang buhay sa hinaharap.

    “You have to accept the fact that you will need to sacrifice a few years of your life para makuha mo ‘yung gusto mong lifestyle in the future. Hindi ‘yan forever. It will take a minimum of five years of sacrifice, at kapag naramdaman mo na ang paglago ng mga investment mo, that’s the time na you can relax and enjoy habang ang mga kilala mong hindi naghanda (for the future) ay kumakayod pa rin. ‘Yung YOLO na iyan, that’s a myth.”

    Pagtatapos ni Tiongson, “Kung hindi ka maghahanda para sa retirement mo, isa lang ang mangyayari sa’yo. Nganga.”---BMS/GMA Public Affairs

  2. Join Date
    Aug 2009
    Posts
    2,071
    #2
    Sa US lang pede ang YOLO, mas madami opportunity to bounce back up. Mga Pinoy kase ang hilig gumaya sa kano. Sustainable lang ang yolo lifestyle para sa anak ng taga customs, gobyerno at ung di naubusan ng pera heheh

  3. Join Date
    Feb 2009
    Posts
    5,130
    #3
    Even the lowly ants know how to save for a rainy day.

  4. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    3,779
    #4
    “You have to accept the fact that you will need to sacrifice a few years of your life para makuha mo ‘yung gusto mong lifestyle in the future. Hindi ‘yan forever. It will take a minimum of five years of sacrifice, at kapag naramdaman mo na ang paglago ng mga investment mo, that’s the time na you can relax and enjoy habang ang mga kilala mong hindi naghanda (for the future) ay kumakayod pa rin. ‘Yung YOLO na iyan, that’s a myth.”

    Pagtatapos ni Tiongson, “Kung hindi ka maghahanda para sa retirement mo, isa lang ang mangyayari sa’yo. Nganga.
    This is very true. Planning at a very early stage is very important sa retirement. I'm in my mid 50's and retired na, daming nagugulat bakit? Sagot ko lang, i planned for it and i want to execute my plan.

  5. Join Date
    Jan 2015
    Posts
    4,581
    #5
    Quote Originally Posted by macsd View Post
    This is very true. Planning at a very early stage is very important sa retirement. I'm in my mid 50's and retired na, daming nagugulat bakit? Sagot ko lang, i planned for it and i want to execute my plan.
    but bro macsd you sound like you're in the middle 30s. i bet you look like one with the golf tan and all :cool:

  6. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    3,779
    #6
    Quote Originally Posted by Juan Martinez View Post
    but bro macsd you sound like you're in the middle 30s. i bet you look like one with the golf tan and all :cool:
    Hahaha...yes sir, that's the whole idea, retire and enjoy life while you can still walk , run and screw hard. BUt come to think of it sir, my doctor's advice on my acid reflux is due to stress. On top of my head, what the heck is stress when all i do is eat, sleep and play golf.

  7. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    1,778
    #7
    Quote Originally Posted by macsd View Post
    Hahaha...yes sir, that's the whole idea, retire and enjoy life while you can still walk , run and screw hard. BUt come to think of it sir, my doctor's advice on my acid reflux is due to stress. On top of my head, what the heck is stress when all i do is eat, sleep and play golf.
    Stress yan galing sa gobyerno.

  8. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    3,779
    #8
    Quote Originally Posted by Bin Diesel View Post
    Stress yan galing sa gobyerno.
    Yun nga din ang nasa isip ko, bwisit na gobierno natin, puro kapalpakan. Sa 1 tama - 10 kaagad ang mali. I guess we will die not seeing a governance that we can be proud of.

    And going BTT, our retirements thru SSS & GSIS are being screwed by political appointees. Where can you see directors awarding themselves with millions in bonus and yet they will say that the funds are only good up to X number of years.

  9. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    3,779
    #9
    Last edited by macsd; November 5th, 2015 at 11:06 AM.

  10. Join Date
    Sep 2014
    Posts
    8,492
    #10
    Ano yun acronym ng YOLo

Page 1 of 7 12345 ... LastLast

Tags for this Thread

Retirement tips: YOLO is a myth?