New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 20 of 37
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    350
    #1
    Happened yesterday afternoon here at binondo. Wala masyadong kotse nung time na iyon and I was driving our L300 van less than 40km/hr. My son was at the back 2nd row seat with his yaya dahil nakatanggal ang 1st and 3rd row seat dahil pang-deliver ang L300 namin. Bigla ba naman may sumulpot sa harap ko tumatakbo galing sa rear left, imagine isang car nagovertake and biglang cut.
    Brake ako bigla and naabutan siya ng konti pero di siya natumba sabay takbo papunta sa sidewalk behind the parked firetrucks. Hahabulin ko na sana to see kung lasing ba siya or nanloloko bigla iyak malakas anak ko, pagtingin ko pareho sila ng yaya tumalsik pala at tumama sa likod ng seat ko sa may carpeted area ng engine compartment. Grabe natakot ako dahil di makatayo anak ko di makasalita hawak lang stomach area niya. Pero buti nalang aftr few min. ok na daw siya. Sabi ng bystanders nagbibiruan daw kasi at naghahabulan trabahador daw sa area na iyon. Hinanap ko nagtago na ang hayop.

    I told my son that's the main reason why we let him sit at the back and if he's infront for sure it will be worse than that.
    Alam natin mga bata ang kulit, iiyak pag di sa harap pinaupo pero after reading Boybi's thread last yr. talagang sabi ko sa likod na siya lagi uupo. Kahit sobrang ingat tayo mag-drive.... kaya siguro tawag nila ACCIDENT.

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,761
    #2
    buti at walang masamang nangyari..
    tsk tsk tsk
    damn people who are too careless for the sake of others.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,433
    #3
    buti ka pa, nagawa mong sa likod paupuin anak mo. ako hindi pa rin nadala. pero at least nagugustuhan na rin ng anak kong umupo sa likod. medyo malaki na kasi at nasisikipan na sa harap pag kasama wife ko.
    Signature

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    29,354
    #4
    always wear seats belts... there is a reason why they exist.

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    5,235
    #5
    Naiinis nga ako pagnakakakita ako ng front passenger na may kalong na bata grrrrr di ba nila alam...

  6. Join Date
    Jul 2003
    Posts
    29
    #6
    Totoo po yang obserbasyon niyo. Asar din ako kapag nakita ko na may tatay o nanay na kinakalong ang bata sa harap nila habang nagmamaneho. Imagine kung ano ang posibleng mangyari kung sakali na mabangga ka at nasa pagitan ng steering wheel at ng katawan mo ang bata.
    Madalas din ako makakita ng tricycle na nakahawak pa sa handlebar ang bata. Mga bobo talaga! But in relation to the original post, ingat lang po at we must make sure na securely fastened lahat ng pasahero natin kapag nasa loob na tayo ng kotse, whether or not umandar o hindi ang sasakyan.

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,620
    #7
    that is why i bought a carseat maski 5K dahil sa mga reasons na tulad niyan.

    nung una mahirap, ayaw umupo, tapos nakaseat belt pa,
    sa awa ng diyos napagsabihan din. konting pasensiya lang alam mo naman ang mga bata what they want they will get.

    ngayon NEVER kaming umaalis sa bahay ng hindi naka car seat ang anak ko, kahit sa school lang which is 15 minutes drive lang.
    Last edited by kimpOy; January 24th, 2004 at 09:17 AM.

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    232
    #8
    hirap pagsabihan anak ko, ayaw magsuot ng seatbelt at lagi pang nakatayo sa likot dahil gustong gusto niyang panoorin yung daan, buti na nga lang napapayag namin na di siya sa harap umupo, mga bata kase sobrang likot di mo mapatigil sa iisang pwesto.

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,620
    #9
    ako naman pinagsabihan na namin sa likod sumakay at the age of 1, ngayon kapag sasakay na diretso siya sa likod sumasakay,

    also i set myself as an example lagi kong pinapakita na sinusuot ko ang seatbelt, alam mo naman ang mga bata mahilig manggaya.

    also dahil medyo mataas ang car seat may view din naman ang anak ko, sa side nga lang.

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    232
    #10
    nung dati napapayag namin magseatbelt pero ang bilis ma bore, nagungulit naman hehehe alala ko tuloy nung nagpunta kami ng baguio ang dami naming stopover dahil sa kanya

  11. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,620
    #11
    yup me too nung wala pa akong carseat, panay din ang stop over namin.

    try training him again, worth naman ang reward

  12. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #12
    Yung kapatid kong 5 years old kahit sa 3rd row ng Pajero ko nakasakay, naka-seatbelt pa din.

    Yup, always use car seats. I was going to post a topic like this pero meron na pala.

    I saw this white E46 Bimmer being driven by a yuppie-looking dad near our village. And behind him was his son. STICKING HALF HIS BODY OUT THE WINDOW! Grrr... sobrang naasar talaga ko...

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  13. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,620
    #13
    TIP
    keep him busy while seated at the carseat, nagkalat lahat ng toys, cereals, books nung tine-training namin si kOdy, pero ngayon ok na. laking ginhawa talaga ang carseat,

    yung nabili kong carseat, doubles as a booster seat so pwede pa kahit 5 years old yung anak ko. eto pic ng carseat

  14. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #14
    Kunyari pa si kimpOy na kay Kody yung mga coloring books at toys sa likod.

    Pero duda ko, yun ang mga libangan ni kim habang nasa store siya. hehehehe.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  15. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,620
    #15
    he..he

  16. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,620
    #16
    but seriously, i can now drive with kody in tow, basta nasa carseat lang siya ayos na, i can do more errands maski kasama ko siya, siyempre nasa likod siya,

    carseats are highly recomended sa states nga hindi mo pwedeng isakay ang baby sa car kung wala kang car seat

  17. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    9,894
    #17
    i cannot agree more with kimpoy - even seatbelts are not safe enough for kids, because they are only rated for people with a minimum height and body mass. kaya dito sa US, bawal ang batang hindi naka-car seat below a certain age and weight.

    USE YOUR BELTS...and seriously consider buying a car seat for kids under 8.

    my son has been trained from day 1 to always buckle himself in - it is not even an option or a source of discussion, and it is so second nature for him he never complains.

    BACKSEAT OR FRONT SEAT, YOUR KIDS WILL DIE IN A CRASH IF THEY ARE NOT SECURELY BELTED IN. i'm sorry if i sound harsh, but i don't want any of you to lose the most important thing in the world to you

    i myself have lost 2 cousins in a car crash who weren't wearing their belts when they crashed.

  18. Join Date
    Jan 1970
    Posts
    214
    #18
    Kimpoy, san mo nabili yung carseat mo at magkano? Thanks!

  19. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,620
    #19
    ibaloi, i bought my carseat/booster seat at a baby specialty store sa mall (shangrila) mga 4K yata Evenflo Chase

  20. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,919
    #20
    kaya be alert always, pwede din na modusoperandi ng ilang kawatan yan para mapahinto ka, ingat mga bro.

Page 1 of 2 12 LastLast
Reminder when driving with children