New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 12
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,377
    #1
    this AM, i went to QC City Hall to follow-up my birth certificate.

    actually, meron naman na ko kopya ng birth certificate ko, kaso kelangan ng NSO certified sa pagkuha ng passport e. so eto na, punta na ko LCRO (Local Civil Registry Office) at fill-up ng application form para makuha ung BC ko. tapos pagdating ko dun, kelangan daw ng Registry # at kung maari ung mga Court Order (adopted kasi ako... ‹).

    umuwi ako ngayon para kunin mga papeles. pagdating ko dun, sabi kunin ko daw ung Finality sa Branch 90 ng QC RTC. grrr ang init-init ng panahon tapos pag0d na ko, pabalik-balik pa!!! eh di sige, punta na lang ako RTC 90 para lang matapos na. pagdating ko dun, wala na daw ung Finality kasi matagal na daw yun at nasama na sa mga nasunog na papeles nung nasunog ang City Hall (wayback 1988).

    balik LCRO na naman ako. pagdating dun, ID naman ang hinahanap. buti na lang may dala ako. tapos nun, naghanap naman ng photocopy ng mga papeles (certified true copy), sabi ko, wala na ko panahon magpa-certify nun. cge pinirmahan na lang nung babae sa counter.

    tapos ok na mga requirements. binigyan na ko ng papel na naglalaman ng magkano babayaran ko.... tumataginting na P600.00 para lang sa ISANG piraso ng birth certificate.

    sabi ko, may kamahalan sya, kaya di ko muna binayaran at umuwi na lang muna ako dahil duda ako dun sa P600 na un e... sabi ng kuya ko, mahal nga daw at maghanap na lang kme ng kakilala sa city hall para ilakad un.

    btw, it took me the whole day para lang walang mangyari sa pagkuha ko ng BC.

    grrr...

    :freak:

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,115
    #2
    walang ganyan sa states....

  3. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,202
    #3
    kuwestion lang po

    NSO authenticated birth certificate ang kailangan mo bakit ka sa city hall nagtungo?

    Dapat sa NSO na mismo kasi nasa kanila ang master records. Not unless declared ng NSO mismo na wala silang kopya ng BC mo.

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    941
    #4
    Why don't you just call the NSO hotline and have the Birth certificate printed on NSO paper delivered straight to your doorstep via Aboitiz? Managed by Pilipinas TeleServ. Takes only 2 days. P300 per copy. Payment via deposit at any Metrobank branch

  5. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    4,086
    #5
    wow..sarap talaga mag-visit sa mga government offices..

    so you're going back there tomorrow? buti wala kang dalang tsikot..that would be another problem..

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,410
    #6
    mga tsong,

    HINDI PWEDE dumiretso sa nso pag wala ka copy ng bc mo na issued ng local civil registrar. kaya sa city hall muna siya nagpunta. gets nyo???

    kaya po mahaba ang process ng pagkuha ng bc, dahilan nyan ay madami kasi pumupunta ng japan para mag-work na entertainer na underage. at madami din bata na nabiktima ng child trafficking, kaya mahigpit sila sa pagkuha ng bc. at madami din mga tao na nag-assume ng name ng ibang tao kasi may kaso sila sa courts o wanted na sila.

  7. Join Date
    Feb 2003
    Posts
    1,182
    #7
    nadale mo boss yebo, batang-bata!

    saang city hall po yan?

  8. Join Date
    Feb 2003
    Posts
    1,182
    #8
    qc hall pala. hehe.

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,377
    #9
    dieselNUBI buti jan wala... haay..

    qman wala nga po e. kaya po nila ako pinapunta sa city hall..

    wireatp_md un nga po ginawa ko, kaso they sent me back the request letter with the things that i could do so that i will not pay for the NSO certified BC again...

    kiper saka na, pag may oras na ulet ako.. hehehe... kala ko matatapos ko kahapon e. grrr...

  10. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,202
    #10
    sana me kopya ang QC hall ng BC mo kasi kung hindi matagal tagal na proseso iyon doon papasok ang sinasabi nilang late registration process sa pagkakaalam ko.. kupo kadaming requirement noon.

    Trabaho ako dati kasi sa NSO since sila lang ang kinilala ng DFA sa authentication ng MC/BC/DC sa kanila ka dapat dumiretso pag nadeklara nilang wala silang kopya doon ka palang susulong sa local civil registrar ng lugar na pinanganakan mo.

Page 1 of 2 12 LastLast
red tape * city hall