Lahat naman ng bldgs dito ganyan, wala naman talaga public courtesy karamihan na tao dito eh.
One time sa Robinson's Equi bldg nung andun pa office namin, I was getting out of the elev (mga 4 lang ata kami nun) and this guy storms in and knocks my laptop back off my shoulders.
Sabi ko "maghintay ka naman makalabas yung nasa loob, di naman tatakbo yung elevator"... Then I walked off.
Aba, hinabol pa ako sa may lobby. Sinisigawan ako kung ano problema ko.
Sabi ko, "Sa tanda mo nyan, di mo padin alam ang basic na logic na lalabas muna nasa loob ng elevator bago papasok ang sasakay? Eh kahit ng jeep at bus ganun patakaran eh"
Galit padin sya, paulit-ulit hirit lang "ano ba gusto mo mangyari, yabang mo ah!"
Nagsosorry na yung kasama nyang lalake, di ako umalis, di din naman umimik... Kabwiset!
Dito sa Orient Sq. ganun din, karamihan yung mga ahente sa Earth+Style at mga malalanding bakla dun sa isang call center... Pucha puno ang elev, ihohold nila at maghaharutan pa...
One time mga 1130pm na yun, I left something sa taas ng office (nasa lobby na ako), so akyat ako ulit, at that time libreng-libre mga elevators... Pumasok ako, may isang humabol, so fine... The door was closing and inopen nya ulit and stuck his head out.
Since I wasn't in a rush, isip ko "fine, parating nadin naman"
Aba, mga 10 secs na wala padin, yung naghold wala din sinisigawan or tinatawag.
Nabwiset ako sabi ko sa kanya, "baka gusto kunan pa kitang silya dyan habang hinihintay mo mga mababagal mong kasama!??"