New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 20 of 105

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Oct 2006
    Posts
    2,380
    #1
    guys share niyo naman mga experience ninyo nung bagito palang kayo sa pagmamaneho, ano ba una ninyong nabangga( yung kasalanan ninyo, hindi yung kayo ang binangga) at ano naging sira sa vehicle ninyo dulot nito? wag na mahiya dahil malamang ay 80% sa atin ay naranasan na to. simulan ko, ako dati sa 89 corolla ko, naatrasan ko sa bahay namin yung malaking paso na may halaman ng nanay ko, at namisalign yung bumper sa likod..

  2. Join Date
    May 2006
    Posts
    357
    #2
    When I was 17 I fell asleep at the wheel of my mom's fully loaded toyota hi ace. Rammed 3 cars that were stopped at a light at the bottom of a hill...ouch....there's a lot more to that story too.

  3. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    2,605
    #3
    Long time ago when I was still in grade school, I started our hi-ace. Did not know any better. It was in 1st gear and I hit a ice cream vendor's cart. Paid for the ice cream and his cart. Busog ako sa ice cream at mura!

  4. Join Date
    Dec 2004
    Posts
    1,310
    #4
    Was pulling out of the garage when I hit a monoblock chair. It flew across the yard, no damage to car though.

  5. Join Date
    Nov 2006
    Posts
    311
    #5
    Isang malaking bunton ng buhangin! Ehehe.

  6. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    368
    #6
    naatrasan ko ang isang kotse... di naman mabilis ang atras ko pero nalaman ko na lang na nakadikit na ang puwitan ng van namin kasi gumalaw ang kotse... buti na lang walang danyos...

  7. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #7
    Quote Originally Posted by mayana View Post
    Isang malaking bunton ng buhangin! Ehehe.
    ganyan din sa akin umaatras ako may mga nagsesemento pala

  8. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    1,815
    #8
    parang may similar thread na ganito, anyway yong sa akin bato na malaki ng pakialaman ko yong tamaraw ng tatay ko.hayun yupi ang bumper

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    330
    #9
    bisikleta....naatrasan ko, di ko kasi nakita sa mirror. inantay ko may-ari for half an hour, walang dumarating....tinakbuhan ko na lang.

  10. Join Date
    May 2007
    Posts
    236
    #10
    bro,good day syo pero in my own opinion eh parang hindi maganda yung thread na sinimulan mo.kasi nakalagay eh "ano una mo nabangga".meron kasi na iba na me hindi magandang experience tungkol dyan buti na lang wala naglagay na tao una nabangga tapos patay.ako eh hindi ko na matandaan ang una kong nabangga.grade 5 pa lang ako eh nag uutay na akong magdrive pero ang hindi ko makalimutan eh nung nabangga kami kasama ko misis ko at baby(months pa lang sya nun) namin.nabangga kami ng tamaraw na luma. head on ang banggaan namin.lasing yung driver nung tamaraw.owner type jeep pa lang ride ko nun.binangga kami head on tapos sa lakas ng impact eh umikot ang owner tumilapon ang misis ko at baby ko sa kalye.buti na lang hindi nabitawan ng misis ko ang baby namin.ang misis ko eh sa gulong na ng owner ko hinila.konti pa at baka ako pa makakasagasa sa misis ko.wasak owner namin.yung tamaraw eh bumper lang ang nayupi ng konti kasi nga sa una eh.nagpaospital kami tatlo.pero minor na sugat lang naman.kaya sana lahat ng Tsikoteers eh responsable pagdating sa driving.

  11. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    1,047
    #11
    Quote Originally Posted by ejr View Post

    sorry sa nangyari sa inyo bro. sana ok na kayo lalo na sa baby ninyo. at sana naturuan ng lection yung drunk driver. 12 years na akong licensed sa california at ni minsan hindi ko pa nasubukan na mag drive na nakainom (maski isang bote lang ng beer).

  12. Join Date
    Oct 2006
    Posts
    2,380
    #12
    Quote Originally Posted by ejr View Post
    bro,good day syo pero in my own opinion eh parang hindi maganda yung thread na sinimulan mo.kasi nakalagay eh "ano una mo nabangga".meron kasi na iba na me hindi magandang experience tungkol dyan buti na lang wala naglagay na tao una nabangga tapos patay.ako eh hindi ko na matandaan ang una kong nabangga.grade 5 pa lang ako eh nag uutay na akong magdrive pero ang hindi ko makalimutan eh nung nabangga kami kasama ko misis ko at baby(months pa lang sya nun) namin.nabangga kami ng tamaraw na luma. head on ang banggaan namin.lasing yung driver nung tamaraw.owner type jeep pa lang ride ko nun.binangga kami head on tapos sa lakas ng impact eh umikot ang owner tumilapon ang misis ko at baby ko sa kalye.buti na lang hindi nabitawan ng misis ko ang baby namin.ang misis ko eh sa gulong na ng owner ko hinila.konti pa at baka ako pa makakasagasa sa misis ko.wasak owner namin.yung tamaraw eh bumper lang ang nayupi ng konti kasi nga sa una eh.nagpaospital kami tatlo.pero minor na sugat lang naman.kaya sana lahat ng Tsikoteers eh responsable pagdating sa driving.
    sir ejr, i do apologize if i offended you in any way and also want to apologize on what happened to you, but hindi po ko nagcreate ng thread na ito para mareminisce ang isang masaklap na aksidente gaya po ng nangyari sa inyo, in your case sa story ninyo kayo po ang binangga and in my starting statement is kung ano una ninyong nabangga nung baguhan palang ang isang tao magdrive, as a lesson narin para sa iba pang bagito palang magdrive na maiwasan nila ang mga naexperience natin dito gaya nalang ng pagstart ng engine ng wala sa neutral at umaatras ng di tumitingin sa likod, etc., in the case the mods and admins find this thread offensive as you suggest, there is no problem with me if they close it and put it in the archives, once again i'm sorry.

  13. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    6,099
    #13
    Puno na nananahimik sa kinatatayuan nya ang una kong biktima. Oct 28,2001, 3 am, nangyari. Bumaliktad ang van na dala ko. Gastos ng 30k sa repair at priceless na sermon kay erpat

  14. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    335
    #14
    una kong nabangga..yun civic namin na wala pang plaka..at na-atrasan ko yun bakod namin..ayun bumuwal!!!!

    sunod kong nabangga...bata! :nerves:

  15. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    195
    #15
    Wala pa naman and I hope it stays that way. Most of my car's dents comes from motorcycles!!! Sometimes I have thoughts of running over motorcycles that drive like jerks. Nagkakasala pa tuloy ako with evil thoughts.

  16. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #16
    unang una kong nabangga na stationary eh yung tubo namin ng tubig sa bahay.
    unang unang nabangga na sasakyan eh nissan patrol, driving a VW beetle that time....

  17. Join Date
    Aug 2008
    Posts
    2,517
    #17
    unang nabangga ko na bagay yung gate namin akala ko kasi naka-neutral, Revo namin yung gamit ko nun.

    unang moving object na nabangga ko is tricycle last monday lang. gamit ko yung kotse ni erpats, nabangga ko kasi pagod na pagod na ako galing school kaya naidlip ako ng mga 3 seconds, then yun na.

  18. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    2,452
    #18
    historically, it was summer between grades 4 and 5, ibinili ako ng bike ni ermats and on the first day, nakabundol ako ng batang babae, siguro mga 5 yrs old. . .sadsad ako, me ga-pisong galos sa tuhod. nilapitan ko yung girl na nakatayo na pero umiiyak pa rin and asked if she was okay, then sabi nung ibang bata, "naku, lagot ka sa tatay nyan". . .upon hearing it, dinampot ko na ang bike ko and took off kahit naotso yung butterfly (yeah, those days ) style na handle bar

    sa sasakyan naman, parallel parking mga 20 yrs ago na yun. . .akala ko nakareverse ako, yun pala na drive pa, so nung umabante, inbot ko ang bumper ng lancer sa harapan. . .i was able to break agad so wala namang gasgas, cracked lines lang. . .after checking, umalis na ko. . .wala namang ibang incidents since then. . .

  19. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    994
    #19
    Nakakahiya mang ikwento pero ang una kong nabangga ay isang Junk Shop AUV nuong 1997 along Rizal Avenue. Bigla itong tumawid mula sa isang eskinita. No read no write pa yung drayber kaya wala akong ibang napala sa aksidenteng yun kundi gumastos.

  20. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    2,326
    #20
    Sana naman huwag isipin ng newb drivers na OKS lang mabangga ... hassle pa din po mabanggaat magpagawa lalo ngayon na puno pa din ng flood repairs and mga dealer ...

Page 1 of 3 123 LastLast
ano una mong nabangga?