New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 20 of 105

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,919
    #1
    lamesa ng mga nag pupusoy dos...he he he nakaharang eh kala ko tatabi

  2. Join Date
    Nov 2006
    Posts
    2,389
    #2
    Quote Originally Posted by jaspi11 View Post
    lamesa ng mga nag pupusoy dos...he he he nakaharang eh kala ko tatabi
    analakas ng tawa ko dito!! hahaha!! ayos!!!

  3. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    3,306
    #3
    Naatrasan ko kulungan ng aso namin nung atras abante ko yung kotse na hindi nagagamit.

  4. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    2,566
    #4
    naatrasan ung bakod .. kala ko tumabi ung bakod hindi pala
    gasgas sa bumper sa likod,

  5. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    57,762
    #5
    More like, anong unang BUMANGGA? - Motor.

  6. Join Date
    Nov 2008
    Posts
    4,642
    #6
    ^
    almost the same, tricycle naman sa akin..

    Una kong nabangga? wala pa at sana wag na magkaron hehe.. nakabangga meron..

  7. Join Date
    Aug 2010
    Posts
    1,171
    #7
    IMO, kahit di naman bagito e, minsan kahit talaga yung bihasa/pro na sa driving di parin nakakaligstas sa mga technical errors, nagkakamali pa rin...to share mine nung mga first 2 years pa lang ako natuto mag-drive e (that was 3rd year highschool) nanibago lang ako, sa multicab kasi ako natuto, tapos 1st time ko hawakan yung Corolla ni erpat nuon inutusan ako ipasok ko sa garahe since iniwan niya sa labas, ayun di ko natancha yung hood, sumargo dun sa kanto nung gate (poste) kala ko di tatama e, buti light scratch lang at nadaan pa sa rubbing compound ok na, tapos eto nakaraan lang owner type jeep ng barkada ko ang gamit paliko ako ng kaliwa sa intersection (so natural lang na pumewesto ako sa left lane to wait for the traffic light signal to turn left on the int.) nung mag-tuturn na ako, meron nag-cut biglang UV express na van, nagulat din ako bigla na lang sumulpot from my right side...(*** siya, kakaliwa din pala siya dun pumuwesto sa right lane) ayun nadale ko yung bumper niya sa likod, buti may stepbar siya sa likod..dun tumama bumper ko, wala rin naman nayupi...siya pa nagalit, at the end siya rin unang tumiklop at umalis.
    Last edited by zap.FREEDOM; April 26th, 2013 at 10:15 PM.

  8. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    8,837
    #8
    gate din ako

  9. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    617
    #9
    7 years ago, I was 16 .. first lesson on parallel parking haha ... Poor light post poor bumper.. ayaw kasi tumabi ng poste

  10. Join Date
    Mar 2007
    Posts
    237
    #10
    It was 1995 and 4th year college ako nun, gamit kotse ni erpat at pauwi na galing sa airport. Umaga yun tapos wala pa kong tulog (galling kasi ako sa bahay ng dati kong girlfriend) kaya nung nasa EDSA na kami nakatulog ako for a few seconds habang nagda-drive. Buti na lang medyo mabagal ang takbo ko, nagising na lang ako nung makarinig ako ng kalampog dahil nabangga ko na pala yung Volkswagen sa harapan ko. Nayupi yung bumper nya sa likod tsaka yung tambutso, kaya ayun bayad ako ng P300.00. Yung bumper ng kotse ni erpat, buti gasgas lang ang inabot.

    Pag-uwi ko sa bahay, syempre nasermunan ako. Naaalala ko pa nga yung mga huling sinabi sa akin ni erpat e—’’Masakit sa bulsa yung P300 di ba? Mabuti nangyari yan para matuto kang mag-ingat.“ Ayun pagkatapos nun nag-ingat na talaga ako.

  11. Join Date
    Aug 2003
    Posts
    3,273
    #11
    the very first talaga is poste ng gate namin. first time i took out the car; downhill and reverse out of the garage. mali maniobra ko and di nakaalalay yung foot ko sa brakes kaya di ko naapakan agad. hayun deep scratch sa rear bumper.

  12. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    231
    #12
    me?, malikot na bata e grade 3 ako that time habang pnagmamalaki ng erpats ko sa frends nya his brand new renault nasa loob ako at medyo mayabang pa raw dating ko sabay start.... zoom sa pader! take note inilagan pa nila ako hahaha
    at college uwi sa bahay lasing 10.30pm pagpark sa driveway dko nalagay sa 1st gear at hindi k nabatak ng tama ung handbrake ng pick-up (kakamadali ko pagpasok s room para d mahalata), around 3am bang!.....bang! tahulan ang mga aso ng kapitbahay paglabas namin lahat, wasak gate namin lukot ung sa tapat naming na gate at laglag ung pck-up sa kanal. almost 2 years dko makalimutan ang kahihiyan!

  13. Join Date
    Mar 2004
    Posts
    565
    #13
    ten years ago , it was a mercedes S600.. e kasi biglang sumingit yun arabo kaya sapul yung likod nya..matibay yung S600, ako na bumangga yung bumper ko pa ang yupi...yung chedeng wala kahit gasgas...

  14. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,174
    #14
    I hit the edge of a short perimeter wall, while on reverse. Hindi ko nakita dahil maliit ito at madilim ang lugar..... Sentrong-sentro sa bumper sa likod ang tama.... Ayos,- parang design....

    3303:shocked:

  15. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,620
    #15
    coconut tree

    i was 13

  16. Join Date
    Mar 2007
    Posts
    42
    #16
    1992. Gabi noon at lasing ako. Sinuyod ko ang bakod sa probinsya. Buti na lang at yari sa kahoy. pumasok ako sa bakuran nila. inatras ko kaagad at nagpunta pa sa fiestahan.

    Kinabukasan pinuntahan ako ng barangay captain sa bahay namin.

    Ayun.....Ipinagpagawa namin sila ng bagong bakod.

    First and last na yon. Sa awa ng Diyos.

  17. Join Date
    Mar 2007
    Posts
    112
    #17
    gamit ko owner-type jeep ng papa ko. liliko na sana sa kalye ng street namin. eh masikip ang daan, pag kabig ko sa kaliwa, kapos! yung kanang bahagi ng bumper kumaskas sa pader ng kapitbahay namin. uka yung sementong pader nila. yupi ng konti yung bumper ng owner. sa takot kong mapagalitan ng papa ko at ng kapitbahay namin. iniwan kong umaandar ang makina ng sasakyan at tinawag ko brother ko sa house para siya na mag-garahe. dyahe kasi!

  18. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    4,241
    #18
    eto una kong bangga..

    it was last year dec25. came from gbelt watched a movie with my wifes family. lapit na samin. mga 3-5kms nalang.. when suddenly my eyes went off. heheh pag dilat ko poste na.. my wifes sister had 6 stitches on the forehead. my mother in law had a big bruises on the legs that are still visible as of the moment pero maliit nalang.. good thing my wife and I are wearing seatbelt. ilang taon na ko nag mamaneho hindi ako nababangga.. eto lang talaga.. sobrang masaklap pa..

  19. Join Date
    Dec 2006
    Posts
    800
    #19
    ako nakasagasa na ng bata mga 2002 pa.. bad trip nga e aksidente talaga. paakyat ako sa camp7 along kennon road mga 6 am so naturaly nakabwelo ka bihira pa kasi sasakyan ng ganun kaaga, e yung sinusundan ko na L300 Fb delivery van ng mister donut nagpasabit ng mga bata na nagtitinda ng pandesal, natural limited ang kakapitan kasi L300 FB, e nahulog ba naman yung isang bata tapos yung FB e tuloy tuloy lang, tumakbo buti nakuha ko plate number.. nung nahulog yung bata siyempre ako kasunod, ako nakasagasa, pero buti medyo 5-10 mteres ang layo ko sa FB kaya nakapreno pa ko, d masyado umilalim yung bata. tinakbo ko sa hospital buti konti sugat lang natamo nya. hinanap ko yung isa driver at naghati naman kami sa gastos.
    cguro mga 2 nights din ako hindi nakatulog nun.. bata pa ko nun e first year college.. tagal pa nirelease yung license ko kasi dami pa clearance, etc. etc..

ano una mong nabangga?